MATABIL
ni John Fontanilla
MADAMDAMIN at punompuno ng pagmamahal ang mensahe ni McCoy de Leon para sa kaarawan ng kanyang mahal na mahal na ina at kapatid.
Post nito sa kanyang FB account, “Palagi kong pinapasalamat sa Diyos na ikaw ang naging nanay ko. Ikaw ang laging nandiyan pag kinakailangan ko, kahit minsan nagsasabi ako ng “Mommy, sabihin ko po sa inyo pag hindi kaya wag kayo magalala…”.
“Always ka pa rin nandiyan ginagabayan ako sa lahat ng nangyayari sa buhay ko. Kahit matanda na ako palagi pa rin kayo nag-aalala sa akin ultimo ‘pag late na ako nakakauwi, hinahanap niyo pa rin ako.
“Sabi niyo nga po, ‘Hindi na mawawala ang pag-aalala ng isang magulang.
“Maraming-maraming salamat mommy napaka-swerte ko na ikaw ang naging nanay ko.”
Ipinangako rin nito sa kanyang ina na lalo pa siyang magsisipag para madala niya ito sa ibang bansa sampu ng kanyang buong pamilya.
“Wag ka mag-alala lalo ako magsisipag para madala pa kita sa maraming bansa (na ako lang ang gagastos hehe). Alam kong mahal natin ang Tondo pero gusto ko malibot natin ang buong mundo kasama sila daddy shylla ian at kuya marcus. Pangako yan. Happy Birthday Mommy mahal na mahal kita!”
Mensahe naman nito sa kanyang kapatid na si Marcus, “Kuya Marcus, alam kong hindi mo pa naiintindihan at mababasa ito pero gusto ko lang malaman mo na ipinagmamalaki ka namin sa lahat ng tao kung gaano ka kabait, katalino at mapagmahal na bata. Kami ng kuya ian, shylla, mommy at daddy ang habangbuhay magmamahal sayo. Happy Birthday sa poging naming si kuya Marcus! ❤️”
Maraming netizens ang nabagbag ang damdamin sa naging mensahe ni MaCoy sa ina at kapatid, habang ang iba naman, napagkamalang kapatid nito ang kanyang ina, at ang iba naman ay gandang-ganda sa kanyang nanay.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com