SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
KALIWA’T kanang batikos ang natanggap ni Joey de Leon mula sa Kapamilya fans matapos magpatutsada laban sa ABS-CBN.
Nangyari ang pasaring ng komedyante noong Abril 23 nang mag-guest ang Mister Pampanga 2026candidate na si RJ Perkins sa Eat Bulaga.
Habang iniinterbyu nina Bossing Vic Sotto at Maine Mendoza si RJ ay nagbitiw ng joke ang veteran host/comedian patungkol sa Kapamilya Network.
Singit ni Joey habang nag-iinterbyu sina Vic at Maine, “Saka hindi na uso ‘yung abs. Wala na nga ‘yung abs, eh.”
Pinag-uusapan ng mga oras na iyon ang pagiging plus size ni RJ sa sinalihang male pageant na nag-viral sa social media nang rumampa ito sa swimwear competition.
Nang sabihin ng kanyang mga co-host na iba naman ang kanyang tinutukoy, humirit ang veteran comedian ng, “Ay, ABS-CBN pala ‘yun, sorry, sorry.”
Dahil dito, kaliwa’t kanang batikos ang ibinato kay Joey mula sa Kapamilya fans.
Anang fans, napaka-insensitive raw ng TV host lalo’t may pinagdaraanan na naman ang network.
At dahil mainit pa ang isyu, natanong ang Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda ukol dito sa kung ano ang masasabi niya.
Ani Vice Ganda, hindi niya ito napanood pero aniya, “Eh, siyempre, hindi natin masasaklawan ang komedyante.
“Hindi rin natin masasaklawan ang reaksiyon ng mga taong makakarinig ng joke.
“So, that’s life, ‘di ba?
“Eh, komedyante si Sir Joey, nag-joke siya. Eh, trabaho niya ‘yun. Nagdyo-joke siya,” paliwanag ni Vice Ganda.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com