Thursday , June 4 2026
Lebanon Philippine Embassy Beirut

Sa Lebanon
AMO NG PINASLANG NA 2 OFWs TINIYAK NA PANANAGUTIN

NANGAKO ang Department of Migrant Workers (DMW) na titiyakin ng Migrant Workers Office (MWO) na masampahan ng kaso ang employer na pumaslang sa dalawang overseas Filipino workers (OFWs) nitong 15 Abril 2026 sa Lebanon.

Ang dalawang biktima, parehong matagal nang nagtatrabaho bilang household service worker sa nasabing tahanan, ay binaril noong 15 Abril, sa isang hostage-taking, ulat ng DMW.

Sinabi ng ahensiya na ang amo ay naaresto na at nananatili sa kustodiya ng pulisya habang hinihintay ang pormal na pagsasampa ng kaso.

Sinabi ng ahensiya na bibisitahin ng mga undersecretary ng DMW ang mga pamilya ng mga biktima sa Martes upang magpaabot ng pakikiramay at tiyakin ang buong suporta ng gobyerno.

“Ang Migrant Workers Office (MWO), kasama ang Embahada ng Pilipinas sa Lebanon, ay nakikipag-ugnayan sa mga lokal na awtoridad upang matiyak ang isang masusing imbestigasyon at ang pagsasampa ng mga naaangkop na kaso,” pahayag ng DMW.

Dagdag ng ahensiya, nanatiling nakatuon ang gobyerno ng Filipinas sa pagtitiyak ng hustisya para sa mga biktima at pagbibigay ng patuloy na tulong sa kanilang mga pamilya, kabilang ang pagpapauwi at mga benepisyo. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …