Thursday , June 4 2026
arrest, posas, fingerprints

4 Chinese, dinakip sa pagmaltrato ng kasambahay

ISANG Pinay na namamasukangkasambahay ang sinagip ng mga awtoridad sa isinagawa nilang rescue operation laban sa kamay ng apat nitong amo, pawang Chinese national, na nagkukulong sa kanya sa isang bahay sa Pasay City.

Hindi pinangalanan ang apat na suspek at ang 43-anyos na babae ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr., na nasagip sa isang rescue operation sa isang residential unit sa F.B. Harrison St., Barangay 13.

Sa ulat, dakong 12:15 ng tanghali nang pasukin ng mga pulis ang bahay ng mga dayuhan matapos makatanggap ng tip mula sa isang concerned citizen.

Isinumbong ng concerned citizen na ayaw palabasin ng mga suspek sa kanilang unit ang biktima.

Nakita ng mga pulis sa loob ng unit ang biktima kasama ang mga suspek kaya’t agad na inaresto.

Nabatid na simula noong 2023 nagtatrabaho ang biktima sa mga suspek hanggang dalhin sa kanilang unit sa Pasay City kung saan nakaranas nang pagmamaltrato.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang apat na dayuhan at isinailalim sa masusing imbestigasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …