MATABIL
ni John Fontanilla
PAINIT NANG PAINIT ang labanan sa King of the World Philippines 2026 na 42 Kings ang magalalaban-laban para maiuwi ang korona.
Isa sa malakas ang laban at malaki ang tsansang manalo ang King of the World Philippines-Filipino Community of Saudi Arabia na si Jan Evan Gaupo, na bukod sa guwapo, magaling sa pasarela at mahusay sa Q&A.
Wagi nga ito agad ng Best In Arrival Look along with Quezon City, Malolos, Davao City, Quezon Province at Tuguegarao City during Official Sashing at Press Presentation.
Grabeng preparasyon ang ginawa ni Jan Evan mula sa pagpapaganda ng katawan, pag-eensayo para sa kanyang pasarela at paghahanda sa Q&A.
Desidido itong maiuwi ang titulong King of the World Philippines 2026 at ire-present ang Pilipinas sa King of the World 2026.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com