ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
THANKFUL si Yuki Sonoda na isa siya sa casts ng Viva One series na “My Husband is a Mafia Boss”. Tampok dito sina Joseph Marco at Rhen Escaño.
Si Joseph ay gumaganap sa papel na Ezekiel “Zeke” Roswell na isang mafia boss, at si Rhen naman ay bilang si Aemie Romero. Ito ay isang romance-comedy-action series na certified Wattpad hit na nagsimula nang mapanood last week.
Inusisa namin si Yuki kung ano ang papel niya sa seryeng ito.
Tugon ng aktres/beauty queen, “I’m Fauzia Arcadia, siya po ‘yung guardian angel ni Aemie (‘yung bida) and makakalaban niya po si Jacob Lee, who will be her partner at the end but they will start as enemies.
“Actually assassin po ako pero gina-guard ko po kasi si Aemie, kaya tawag sa akin ay guardian angel and ganoon po ‘yung pagka-introduce ko sa sarili ko sa kanya. Pero protector niya po ako talaga.”
Nag-action ba siya rito, as in iyong tipong humahawak ng baril? “Yes po may action dito, and yes po, humahawak po ako ng baril dito,” nakangiting tugon niya.
Ipinahayag din ni Yuki na kakaiba at exciting talaga ang role na natoka sa kanya rito.
“Yes po, kakaiba ang role ko rito and super-exciting po, plus, maganda rin po ‘yung buildup ng role ko with Jacob Lee. So, inaabangan din po ng mga readers iyon,” sambit pa niya.
Ayon sa magandang talent ni Ms. Len Carrillo, sobrang saya niya nang natanggap sa nasabing serye.
“Super-happy and blessed po ako na ibinigay ng Viva sa akin itong role ko na ito,” masayang sambit ni Yuki.
Pahabol pa niya, “Nag-audition po kasi ako para rito e, ang daming tao noon, blessed po na napili nila ako.”
Sino ang madalas niyang kaeksena rito?
Tugon niya, “Sina Rhen and Jacob po ang madalas kong kaeksena, pero mostly si Jacob po talaga.”
Pinuri rin ni Yuki ang kabaitan nina Rhen, Joseph, at Direk Fifth.
Aniya, “Super-bait po nila Rhen and Joseph… and si direk Fifth. I love his charisma and very nice niya talaga, plus chill po niyang maging direktor.”
Mula sa pamamahala ni Direk Fifth Solomon, tampok din dito sina Frost Sandoval, Sara Joe, Kyosu Guinto, R-Ji Lim, Ara Mina, Simon Ibarra, Akihiro Blanco, Priscilla Meirelles, Kelley Day, at marami pang iba.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com