MATABIL
ni John Fontanilla
GAGANAPIN ang D Grind Presents: D Purpose 2026- Bulacan A Dance Recital X Dance Concert sa April 20, 2026 sa Baliuag Star Arena.
Ang D’ Purpose 2026 ay taunang proyekto ni Teacher Jobel Dayrit at ng kanyang dance group na D’Grind Dancers.
Ang D’Purpose 2026 – Bulacan ay mula sa pakikipagtulungan ng St. Mary’s College of Baliuag na ang magho-host ang former beauty queen na si Cam Lagmay Newsome kasama si Jazper Tiongson. Ididirehe ito ni Frank Lloyd Mamaril.
Espesyal na panauhin sina Kych Minemoto at Maxie Andreison.
Magpapakitang gilas naman sa kani-kanilang pasabog na production numbers ang mga workshopper mula Kids Class ni Teacher Arci & Teacher Robin, KPop Class ni Teacher Chloe & Teacher Nan, Beginners Hiphop Class ni Teacher Arci & Teacher Karl, Femme Class ni Teacher Ceepee, Teacher Robin & Teacher Brinne at
Open Choreography ni Teacher Kyle & Teacher Karl.
Sa mga gustong manood, ang tickets ay mabibili sa halagang VIP – PHP 700, GOLD – PHP 500, SILVER – PHP 400 , GEN AD – PHP 150 + PHP 100 Door Charges para sa mga walk-ins.sa St. Mary’s College of Baliuag.
Para sa iba pang inpormasyon mag-email at tumawag lamang sa Email: [email protected]; Phone: 09153006554.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com