MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI naibigan ni Nadine Lustre ang idinadaos na bullfighting event sa Spain na nagsimula noong March at magtatagal hanggang October.
Para sa aktres ang bullfighting event ay isang animal cruelty kahit okey lang ito sa iba at parte na ng kultura ng Spain. Dinadayo pa nga ito ng iba’t ibang tao mula sa iba’t ibang panig ng mundo para makapanood.
Nanatili pa rin ang paniniwala ni Nadine na isang certified vegetarian, na isa itong animal cruerty at hindi dapat sinusuportahan.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com