Thursday , June 11 2026
Boss Toyo Free Gas

Vlogger namahagi ng libreng diesel sa jeepney drivers sa Quezon City

NAMAHAGI ng 50 plastic container ng diesel—tinatayang anim na litro bawat isa—ang Pinoy vlogger at pilantropo na si Boss Toyo sa mga tsuper ng pampasaherong jeep sa Kamias, Quezon City nitong Martes ng umaga, 14 Abril 2026.

Ayon kay Jayson Jay Luzadas o mas kilala bilang Boss Toyo, isinagawa niya ang “gas pantry” bilang ayuda sa mga tsuper na apektado ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis dulot ng tensiyon sa Middle East.

Ito na ang ika-anim na beses na namahagi siya ng libreng gasolina, kasunod ng pagtulong niya sa mga driver ng tricycle at motorsiklo  na Tig 1.5 liter nitong nakaraang linggo.

Dagdag niya, naisakatuparan ang inisyatiba sa tulong ng kanyang mga kaibigan na nagbigay ng donasyon para sa pambili ng diesel.

Hinikayat din ni Boss Toyo ang publiko na umagapay sa mga tsuper ng pampublikong sasakyan upang matiyak ang tuloy-tuloy at hindi naaantalang serbisyo sa mga commuter. (TEDDY BRUL)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Teddy Brul

Check Also

Asia Pacific Padel Cup APPC Padel Pilipinas

Pilipinas nakatakdang mag-host ng Asia Pacific Padel Cup 2026

HANDA na ang lahat para sa Asia Pacific Padel Cup (APPC) 2026, habang naghahanda ang …

Khai Flores Mantsa

Khai Flores seryoso sa kanyang acting career, tampok sa pelikulang “Mantsa”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INILARAWAN ni Khai Flores na kakaiba ang pelikula nilang “Mantsa” …

Gwen Garci MILF Maui Taylor Sheree Katya Santos

Gwen Garci balik sexy role sa new movie, pasok din sa seryeng “You’re My Favorite Song”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGLALAGARI sa dalawang projects si Gwen Garci, ito ang Kapuso series na “You’re My …

BB Gandanghari Iloilo

BB Gandanghari at iba pang celebs bumisita sa Iloilo Terminal Market; Public Markets umuusbong na Tourist destination

BUKOD sa pagpapabuti ng kalagayan at karanasan ng mga nagtitinda at mamimili, nakatulong din ang …

Ellen Adarna John Lloyd Cruz Isabel Santos

Ellen mas madalas ka-bonding si JLC

I-FLEXni Jun Nardo MALABO na nga sigurong magkabalikan ang dating couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay. …