SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
HINDI nakapagtataka kung hanggang ngayo’y masayang-masaya pa rin ang mga miyembro ng BINImatapos ang matagumpay at talaga namang tinilian at pinalakpakan nilang performance sa Coachella noong Abril 11.
Nagpaabot ng pasasalamat ang Nation’s Girl Group na binubuo nina Aiah, Colet, Maloi, Jhoanna, Stacey, Gwen, Sheena, at Mikha sa lahat ng sumuporta sa kanila lalo sa mga nagtungo sa international music fest.
Anang post ng grupo sa pamamagitan ng Weverse: “Coachella Week 1 with BINI is officially in the books!
“Thank you so much for all the love and support—you’ve truly overwhelmed us. We hope we made you proud. 2, 3, salamat po!”
Sinabi pa ng grupo sa panayam sa kanila ni MJ Felipe ng ABS-CBN, feeling surreal pa rin sa kanila ang mga nangyari sa Coachella.
“Hindi kami makapaniwala, nangyari ‘yun? ‘Yung pinaghirapan namin ng ilang buwan.
‘Yung mga pinagplanuhan po namin ng ilang buwan, pinaghirapan namin.
“‘Yung sacrifices namin for this performance, parang sarap sa puso, na talagang we did our best.
“And naramdaman namin ‘yung suporta ng mga Pinoy,” wika ni Maloi.
Inamin naman ni Sheena na inatake sila ng kaba bago ang show, “Backstage pa lang, tumitingin kami sa phone namin, ‘Girls, may manonood ba sa atin? May tao ba?’
“Kasi super aga namin, tapos ang init pa, like hindi siya ‘yung usual time na pumupunta ‘yung mga tao.
“Pero kanina noong pumasok kami, ‘yung intro ng ‘Shagidi’ punompuno (tao). Nakataas ‘yung Philippine flag, ang daming Blooms, ang daming casuals.
“We just can’t believe na ganoon kadaming tao ‘yung nag-abang sa amin. And dahil sa nakita naming crowd, mas lalo pang tumaas ‘yung confidence namin. Mas nagkaroon kami ng lakas sa buong show,” dire-diretsong sabi naman ni Sheena.
“Noong natapos na, happy lang ako kasi, hindi naman kasi ako, kami nag-e-expect na may sisigaw sa amin.
“Okay na sa amin na may manood, kahit 10 Blooms na tagarito lang sa California, okay na sa amin ‘yun.
“Pero, grabe kung puwede lang marinig sa livestream ‘yung sigawan ng mga tao sa live. Sobrang nakakawala ng kaba, nakakadagdag ng confidence.
“Noong natapos kami, may fulfillment sa puso namin na okay, may lugar talaga tayo sa global stage,” nakangiting dagdag ni Jhoanna.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com