Thursday , June 4 2026
Arrest Shabu

Ginang tiklo sa pagbebenta ng shabu; Sari-sari store, panindang ulam ginawang front

Kalaboso ang isang ginang na matagal nang minamanmanan ng mga awtoridad sa pagtutulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa ikinasang buy-bust operation sa Baliwag City, Bulacan.

Napag-alamang nagpanggap na poseur buyer ang isang operatiba mula sa Baliwag MPS Drug Enforcement Unit  (DEU) at nakipagtransaksiyon sa suspek hinggil sa bentahan ng shabu.

Upang hindi mahalata sa kanyang ilegal na gawain, sinasabayan ng ginang ang pagbebenta ng shabu sa kanyang sari-sari store at panindang ulam.

Subalit hindi inaasahan ng suspek na sa pagkakataong ito ay  isa na palang operatiba ng Baliwag MPS DEU  ang kanyang katransaksyon sa ilegal na droga kaya siya ay inaresto.

Nahaharap ngayon ang nasabing ginang na nasa kustodiya na ng Baliwag MPS sa kasong paglabag ng sections 5 at 11 ng RA 9165 o ang Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon sa suspek, nagawa lamang niya ang pagbebenta ng ilegal na droga dahil sa hirap ng buhay at mas madaling kumita ng pera sa ganitong paraan. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …