Wednesday , June 24 2026
Alessandra de Rossi Everyone Knows Every Juan

Alessandra saludo sa mga katrabaho sa Everyone Knows Every Juan

MATABIL
ni John Fontanilla

MATAAS ang respeto ni Alessandra De Rossi sa mga artistang idinirehe at kasama sa pelikulang Everyone Knows Every Juan ng Viva Films.

Ayon kay Alessandra, “Sa totoo lang wala akong ginawa, kasi ang gagaling talaga nila.”

Hindi rin nito pinakialaman ang kanyang mga artista.

“’Yun talaga ang goal ko, na huwag masyadong makialam kung ano ‘yung gusto nilang ibigay.

“Pero siyempre may mga specific din na kailangan idirehe.

“Pero I think alam naman nila ‘yung ginagawa nila,” papuri pa ni Alessandra sa kanyang mga artista.

Ang Everyone Knows Everyone ay tungkol sa isang pamilya, ang pamilya Sevilla na muling nagkita-kita para pag-usapan ang mana at dito na nga lalabas ang problema at kanya-kanyang differences.

Hatid ng pelikula ang tawanan, drama pero may kapupulutang aral.

Kasama ni Alessandra sa Everyone  Knows Every Juan sina Gina Alajar, Edu Manzano, Joel Torre, JM De Guzman, Ronnie Lazaro, Ruby Ruiz, Angeli Bayani, at Kelvin Miranda.

Mapapanood na sa mga sinehan simula Oktubre 22.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …