Thursday , June 4 2026
Bea Binene Wilbert Ross

Bea-Wilbert loveteam pang-malakasan

HARD TALK
ni Pilar Mateo

KAPAG talaga nag-build up ng loveteam ang Viva ni Boss Vic del Rosario, siguradong papatok at kakagatin ito ng mga tagasuporta.

Ilang dekada na ba? Na hindi pumapalakpak ang mga tagahanga. Nagti-tilian on the top of their lungs. At mayroon pa rin namang gaya ng mga nauna na masasabing die hard sa idolo nila.

Sa mediacon ng Viva para sa tampok na university series na sasampolan na tayo simula sa October 18, 2025, ang Golden Scenery of Tomorrow na sesentrohan ng pambatong loveteam ngayon nina Bea Binene at Wilbert Ross, kakaiba na ang ramdam ng kanilang fandom.

Kilig to the max alaga!

At halatang marunong ang magkatambal. Alam kung saan kiklitiin ang kanilang mga tagasuporta.

Para kay Bea, “Masasabi ko po na reliable ang aming loveteam ni Wilbert. He makes sure na maging comfortable ako, kami sa isa’t isa. Na hindi dahil sa trabaho lang lahat.”

Pansin nga namin, kung loveteam nga ang pag-uusapan all mine to give ang dalawa. Kaya nagwo-work ang kanilang chemistry.  Pati sa pagsagot sa mga tanong. Swak!

For this project, ibinigay ni Bea ang lahat. Kaya, nakita ko na talagang focused siya sa mga kailangan naming gawin. Ang maganda, lahat naman pinag-uusapan namin kasi nga komportable na kami sa kung anuman din ang ipagawa ni direk sa amin.”

Na ang mismong direktor nila eh, kilig na kilig din sa kanila. At never namroblema dahil nakita na raw niya kung gaano ka-komportable sa isa’t isa ang mga artista niya. Kaya hindi siya nahirapan. At alam na ng mga ito ang kailangan nila sa bawat eksena.

Natanong sila kung ano nga ba ang nakikita nila sa bukas nila.

Si Bea patuloy na magpo-pokus sa career. Kaya maghihintay ang lovelibe.

Pero si Wilbert, kaya raw pagsabayin ang career at love.

Umariba man ang loveteam nila, tiyak pang-malakasan na!  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …