Thursday , June 4 2026
PNP PRO3 Central Luzon Police

Rapist na kabilang sa top most wanted sa Central Luzon, arestado

NAARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaki na kabilang sa most wanted person sa Central Luzon sa isang coordinated operation sa Brgy. Bancal Pugad, Lubao, Pampanga kahapon ng umaga, Setyembre 2.

Sa ulat mula kay Police Regional Office 3 Director PBGeneral Ponce Rogelio I. Peñones Jr., ang arestadong akusado ay kinilalang si Kurt Jayson Claudio y Puno, 27, ang Top 1 Most Wanted Person sa Central Luzon (Region 3).

Ang pagkaaresto sa akusado ay resulta ng intelligence-driven operations, maingat na pagkolekta ng impormasyon at close coordination mula sa mga operatiba ng Regional Intelligence Division, RSOG3 (RID-RSOG3( PRO3 Cyber Patrol Team, Lubao MPS at Pampanga PPO.

Si Claudio ay nahaharap sa “five counts of statutory rape” sa ilalim ng Criminal Case G-25-18572 at G-25-19576 na inisyu ni Judge Merideth D. Delos Santos-Malig, presiding judge ng RTC Branch 51, Guagua, Pampanga na walang inirekomendang piyansa.

Ang akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Lubao MPS at nakatakdang iprisinta sa korte para sa nararapat na legal proceedings. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …