Thursday , June 4 2026
Arrest Posas Handcuff

High value target na lider ng Salazar criminal group sa Tarlac, timbog

ANG magkasanib na operasyon ng pulisya sa Region 3 ay nagresulta sa pagkakaaresto sa isang notoryus na lider ng criminal group sa Tarlac kamakalawa.

Kinilala ang naaresto na si Julius Salazar, ang sinasabing lider ng Salazar Criminal Group na sangkot sa illegal drug pushing at carnapping activities sa Tarlac.

Ang pagkaaresto kay Salazar ay isinagawa dakong alas-5:00 ng hapon sa Brgy. Buenlag, Gerona, Tarlac ng pinagsanib na puwersa ng Gerona MPS, PIU Tarlac PPO, PHPT Tarlac, RSOG 3-RID, 21st Special Action Company (SAC), 2nd Special Action Battalion (SAB), PIT Tarlac, at RIU 3.

Si Salazar ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Carnapping sa ilalim ng RA 10883 na inilabas ni Judge Maria Roma Flor Ortiz, presiding judge ng RTC Branch 63, tarlac City.

Kaugnay nito ay ipinahayag ni Police Regional Office 3 Director PBGeneral Ponce Rogelio I. Peñones Jr. na ang pagkakaresto sa naturang high value individual ay nagpapakita ng kanilang pangako na protektahan ang komunidad sa rehiyon sa mga criminal syndicates. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …