Teacher Jobel D Grind Marian Rivera

Teacher Jobel naiyak sa tagumpay ng D’Grind Dancers concert

MATABIL
ni John Fontanilla

MATAGUMPAY ang katatapos na  concert/recital ng awardwinning dance group sa bansa, ang D’Grind Dancers entitled D’Purpose 2025 – Indak ng TagumpayA D’Grind Summer Dance Workshop and Dance Recital na ginanap sa Music Museum, San Juan City noong May 22, 2025.

Naging espesyal na panauhin at naghandog ng medley of Tiktok Dance ang Kapuso Primetime Queen Marian Rivera with Teacher Jobel.

Nag-perform din ang girl hroup na Yara, Aleksi B’ D Members. Hosted by Beauty Queen Cam Lagmay and Jazper Tiongson, directed by Paul Basinillo.

Bukod sa mga pasabog na production numbers ng D Grind Dancers ay humataw din sa dance floor ang  Kids Class, Ppop and KPop Class, Hip Hop Class at D Grind Idols na binubuo nina Alyssa, Aliyah, Allona, Atheena, Arckin, Cheska, Reign, Joey, Stephanie, Enzo, Princeton, Jeys, Sam, at Winsleigh

At sa tagumpay ng concert/recital ay di ‘nga naiwasang maiyak ni Teacher Jobel sa labis na kasiyahan.