MATABIL
ni John Fontanilla
THANKFUL ang former Sparkle Artist na si Prince Villanueva sa DreamGo Productions at sa direktor nitong si Jun Miguel dahil isinama siya sa advocacy film na Aking Mga Anak.
“Sobrang nagpapasalamat ako sa DreamGo Productions at kay Direk Jun Miguel dahil isinama nila ako sa pelikulang ‘Aking mga Anak’ dahil sobrang ganda ng story at punompuno ng aral.
“’Di siya typical na movie na drama, ‘yung movie may puso at maraming makare/relate sa mga character sa movie,” sambit ni Prince.
Masaya rin si Prince dahil makakatrabho niya ulit ang kanyang naging kasama sa Walang Tulugan with the Mastershowmanna si Hiro Magalona na huli niyang nakasama sa GMA serye na Sherlock Jr..
Si Prince ay nagsimula bilang regular cast ng Walang Tulugan with The Mastershowman at napanood sa The Half Sisters, Magpakailanman: Bangin Ng Kamatayan, InstaDad (Ikot Perez), Maynila: Signs Of Love, Maynila: Moments In Time ,Magpakailanman: Paskong Malamig ang Puso, Magpakailanman: Asawa ni Mister, Kabit ni Misis, Wish I May, Alyas Robin Hood, A1 ko sa’yo, Maynila: Secret Bratinella, Magpakailanman: Finding Earl, Imbestigador: UPLB Rape Case, Alyas Robin Hood: Book 2, Karelasyon: Biglang Yaman, Pepito Manaloto, Magpakailanman: Ang Pagmamahal ng Isang Amang Beki, Imbestigador: Chop chop sa San Mateo Sherlock Jr. At #MichaelAngelo: The Sitcom.
Bukod sa pag-arte sa telebisyon at pelikula ay umaarte rin ito sa teatro at ilan nga sa nagawa nito sa Sining Pinagpala Theater Foundation ang Noli Me Tangere (2024-Present) as Young Jose Rizal, El Filibusterismo (2024-Present) as Basilio, Florante at Laura (2023-Present) as Florante, Ibong Adarna (2024) as Don Juan, Aquarium na Walang Tubig (2016-Present) as Dennis (Lead Role).