MA at PA
ni Rommel Placente
MAY sorpresang regalo si Sharon Cuneta sa graduation ng anak na si Kakie. Sa kanyang account ay nag-post ng mga larawan ang aktres ng mga moment nilang mag-aama sa graduation ng anak sa New York.
Caption niya “Our surprise for Kakie is her yaya Irish. We brought her with us because she has taken care of Kakie for years now.”
Mahigpit na yakap ang sinalubong ni Kakie sa yayang nag-alaga sa kanya noong maliit pa
siya.
Simone Francesca Emmanuelle “Kakie” Pangilinan, ang buong pangalan ng panganay nina Sharon at Senador Francis “Kiko” Pangilinan, na nag_graduate noong May 16, 2025.
Nakapagtapos ng degree in literature and anthropology sa The New School, isang private research university sa New York City known for its progressive and interdisciplinary approach to education.
Kasama rin ng mag-asawa ang kanilang dalawa pang anak na sina Miel at Miguel. Sinamantala na rin ng pamilya na makapag-bonding sa New York.