Thursday , June 4 2026
Willie Revillame Will to Win

Willie ‘di pa raw makausap, kasamahan sa production kanya-kanya nang hanap ng raket

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

BALITANG nagsisintir pa rin at hindi makausap ng maayos si Willie Revillame matapos nga itong mabigo sa kanyang kandidatura bilang senador.

Ayon sa ilang mga tsismis na nakarating sa amin, nagka-kanya na raw ng hanap ng raket ang mga kasamahan nito sa produksiyon dahil napabalita ngang mukhang magbibilang na naman daw ng mahabang panahon para makabalik sila sa TV.

Bago pa kasi mag-eleksiyon, inalis na o tinanggal na sa ere ang show ni Kuya Wil  sa TV 5 at dahil natalo pa ito sa eleksiyon, mas malabo umano itong makabalik sa ere.

Wala pa kaming balita from him. Hindi pa namin siya makontak o maringgan man lang. Nag-deactivate rin yata ng kanyang mga contact at gadgets,” tsika ng isang matagal na nilang kasama sa production.

At dahil nagkakagulo-gulo na raw sila since campaign period up until the elections, mukha nga raw papunta na sa “kangkungan” ang show na kanilang minahal din at inalagaan.

Ang sinasabing ‘gulo’ nga raw po ay may kinalaman sa mga unpaid dues, mga broken promises, at tiwalang nawala all because of politics?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …