PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
SA pinag-uusapang Kyline Alcantara at Kobe Paras, hindi talaga maiiwasang itanong ng sambayanan kung ano nga ba talaga ang tunay na kulay ni Kyline?
Kung paniniwalaan kasi ang pattern na sinasabi hinggil sa manner ng pagtrato niya sa mga nakaka-relasyon, tila si Kyline nga ang parang may isyu.
Hindi naman siguro basta na lang kakampihan ng mga nanay ng naging jowa niya ang mga anak nila sa usaping ‘physical assault’ o pananakit sa mga ito?
At dahil hindi rin naman nagsasalita ang parents ni Kyline, siyempre sila at ang anak nila ang nasa negatibong panig at nakakukuha ng pangit na impression.
Deka-dekada na naming nakasama, nakatrabaho, nakilala, at naging kaibigan ang parents nina Kobe at Mavy Legaspi, kapwa exes na ngayon ni Kyline. At kung ‘yun ang aming pagbabasehan ng kabutihan at ka-disentehan ng kanilang pamilya, nasa kanila ang ‘bias’ namin.
Kawawang Kyline. Sana nga ay mas mag-focus na lang siya sa kanyang career.
Paunlarin ito at ipakitang deserve siya ng showbiz at deserve niya rin ito, lalo pa’t sa naging relasyon niya lalo na rito kay Kobe, kulang na lang sabihing naibigay na niya ang lahat sa ngalan ng pag-ibig.