Kim Rodriguez

Kim pinusuan pa-bathing suit sa socmed 

MATABIL
ni John Fontanilla

WAGING-WAGI sa netizens ang pa-one-piece bathing suit ng Kapamilya actress na si Kim Rodriguez na ipinost sa kanyang Instagram.

Pinusuan ng netizens ang larawan ni Kim na naka-peekabo cut black bathing suit na kitang-kita ang magandang hubog ng katawan.

Bukod sa magandang hubog ng katawan ay panalong-panalo rin sa netizens ang maamo at magandang mukha ni Kim.

Ilan nga sa komento ng netizens ang mga sumusunod:

Your pretty Kim, take care.” 

“Slay Bebe Kim.”

“Awesome statuesque beauty of my babyeo.”

“yummy, goddess.”