Thursday , June 4 2026
Eraserheads Combo on the Run

Ely sa EHeads: We’re here to stay!

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

UMUGONG sa hiyawan at palakpakan ang Gateway Cinema 5 nang ihayag ni Ely Buendia na wala na silang reunion ng grupong Eraserheads bagkus gagawa muli sila ng musika para sa libo-libo nilang fans. Ibig sabihin, buo na muli ang kanilang grupo.

Ang pahayag ni Ely ay naganap sa talkback matapos ang special screening ng documentary film nilang Eraserheads: Combo on the Run sa Gateway Cinema na nagkaroon din ng screening the following day.

Bukod sa magandang balitang ito, magkakaroon ng major concert ang EHeads sa SMDC Festival Grounds, Paranaque City sa May 31, 2025. Bale ito ang muling pagsasama ng grupo matapos ang reunion concert nilang Huling El Bimbo noong December 22, 2022.

Ito ang kasunod na project ng grupo matapos ang docu film na Eraserheads: Combo on the Run na nagustuhan namin ang pagkakalahad. Sayang nga lang at limited lang ang pagpapalabas nito. Pero umaasa kaming muli itong maipalalabas dahil maganda talaga. Kaya naman kasama kami sa pupuri sa nanguna para gawin ang docu film na ito, ang direktor nitong si Diane Ventura. Halo-halong reaksiyon ang naramdaman namin habang pinanonood ito, nakatutuwa, nakaiiyak, nakapanghihinayang.

Pero nawala ang panghihinayang nang ilahad nga ni Ely na, “By this time, I think tama na ‘yung reunion-reunion na ‘yan. Wals nang ‘Huling El Bimbo.’ We’re here to stay.” Na pagkarinig namin niyon, isa kami sa napahiyaw at napapalakpak ng malakas.

Until we break up again. Yeah, we just wanted a new concept na parang, ‘Ahh, baka sila na naman ‘yan ‘di ba?,” susog ng singer.

So we just wanted to have a music festival where our fans and the people, artists that we admire, can share the stage with us,” dagdag pa ni Ely.

Sinabi naman ng producer ng docu na is Francis Lumen ukol sa pelikula, “This is again experimental, You know, producing concert and promoting it is quite a challenging task.

“One way, sabi namin, whaat about using the movie as a promotional tour to promote the May 31 ‘Eraserheads Electric Fan Music Festival?’

“Which they, the band members also will help promote the other OPM bands. And I think that’s a great gesture, May 31, abangan ninyo,” sabi pa.

Yeah, medyo hindi pa namin napapag-usapan with the way you…but…I guess this is for the fans again. You wanted more,” wika naman ni Ely.

Ukol naman sa legacy na gustong iwan ng Eheads, nasabi ni Ely na, “with regards to the band, I think it still remains to be seen how or what our legacy is. But in terms of the film, I think that the film leaves a legacy of parang the lesson that you should not give up on your friends.

“And kahit they leave the stage along the way, even sobrang sama ng mistake nila, or you think you’ve been hurt by someone…if they really, really are sincere of being redeemed, and really making the effort, to make things right, I think everyone deserves a second chance,” giit pa ni Ely.

Kaya sa mga fan ng Eraserheads, abangan sina Ely kasama sina Raymund Marasigan, Buddy Zabala,at Marcus Adoro sa muli nilang pagtugtog ng magagandang musika gayundin sa kanilang concert sa May 31.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …