Thursday , March 20 2025
D Bodies Next Gen

Bodies: Next Gen, idolo at inspirasyon ang Bini

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio


INILUNGSAD recently ang bagong all female sing and dance group na Bodies: Next Gen.

Ang nasabing grupo ay kumakatawan sa modern evolution of the once-controversial D’ Bodies, na naging sensation noong 2003 dahil sa kanilang much-talked-about pictorial sa Baywalk area along Roxas Boulevard noong panahong iyon.

Although ang ilan sa original members ng D’ Bodies ay nasa abroad na o may sarili ng pamilya, ang kanilang sultry and unforgettable image ay nakatatak pa rin sa isipan ng marami.

Ngayon, ang rebranded version ay isinilang na bilang Bodies: Next Gen,
a group of 13 captivating young performers infused with a K-pop-inspired concept, bringing a fresh and modern approach to entertainment.

Ang transformation na ito ay mula sa vision ng kilalang talent discoverer and entrepreneur na si Ms. Marynette Gamboa, under her company Premiere WaterPlus Production. Si Marynette na dating mayor from the Ilocos region, ay nagbalik recently sa Philippine showbiz bilang producer ng highly anticipated movie na ‘Idol: The April Boy Regino Story’.

Anyway, ang 13 na kababaihang ito ay ay binigyan ng unique na stage monikers ng kanilang managing company to enhance their brand and make their names more memorable.

Sila ay makikilala bilang sina Bodi Wendy, Bodi Chanel, Bodi Amara, Bodi Iris, Bodi KZ, Bodi Mycky, Bodi Selina, Bodi Jade, Bodi Darrah, Bodi Kesha, Bodi Sherie, Bodi Dior, at Bodi Tia.

Naganap ang grand launch ng Bodies: Next Gen noong March 8, 2025 sa Gulliver’s Ballroom, 8th Floor of the Great Eastern Hotel sa Quezon Avenue, Quezon City.

Ayon kay Direk Obette Serrano, na part ng nagha-handle sa career ng Bodies: Next Gen, “Kiliti pa rin po iyong songle nila, remix ito at si Boy Christopher pa rin ang nag-remix. Siya ang nag-compose ng kantang ito.

“May short film na gagawin na kasama ang ilan sa kanila and ang next gig nila ay sa Okada. Then, ongoing ang negotiations sa international performances nila sa Thailand and Japan.”

Sa aming panayam naman, nabanggit ng ilang member ng Bodies: Next Gen na mga idol at inspirasyon nila ang Bini.

Goal ba nilang sumunod sa yapak ng Bini?

Tugon ni Bodi Mycky, “Sa amin po kasi, hindi namin nakikita iyong Bini or other girl group out there as competition, nakikita namin sila as inspirations. Lalo na po, we take inspirations from the original generations po ng D’ Bodies.

“Sa tingin po namin na nagsimula sila bilang hindi sikat at ngayon ay sikat na sikat na sila, sa palagay ko po ay kaya rin po naming maabot iyon, pero hindi bilang ka-competion po ng Bini.”

Esplika naman ni Bodi Wendy, “Idol po namin yung Bini, actually doon po kami na-inspire na mas pagbutihin pa po namin yung aming mga galaw and mag-focus po muna sa pag-grow ng sarili po naming talents. And sa movie po, yes we are looking forward po na magkaroon ng sariling movies someday. Sa albums naman po, we are so excited po na ma-release and magkaroon pa po ng another recording songs po.”

“Ang wish ko pong mangyari sa aming career ay sumikat po bilang dancer-singer, tulad ng Bini po. Pero gusto ko rin pong sumabak sa drama, sa acting po. Puwede ako sa drama at sampalan,” nakangiting pakli ni Bodi Iris.

“I idolize ‘yung Bini and na-inspire nila kami because of their incredible talents, hard work, and the positive messages they share through their music. They inspire me to always do my best and stay true to myself. I admire how they push themselves to improve and connect with their fans, making us feel seen and valued,” pahayag ni Bodi Amara.

Wish din ba niyang sundan ang yapak ng sikat na grupong Bini?

“Yes po, I would like to follow in their footsteps because of their incredible talent and elegance. Also, despite their fame, they remain such humble individuals that are loved by many people. But I do believe that everyone have their own unique journey, and I want to create my own, na inspired by theirs,” wika pa ni Bodi Amara.


About Nonie Nicasio

Check Also

Roderick Paulate Maricel Soriano

Kuya Dick at Maricel panalo sa 38th PMPC Star Awards for TV

MA at PAni Rommel Placente WAGI ang mag-bestfriends na sina Roderick Paulate at Maricel Soriano sa 38th PMPC Star Awards …

Papa Yohan Ms K Barangay LSFM 97.1

Papa Yohan at Ms K bagong dagdag sa pamilya ng Barangay LSFM 97.1 

MATABILni John Fontanilla MAY dalawang bagong dagdag sa pamilya ng nangungunang FM Station sa bansa, …

Mia Pangyarihan Lito Alejandria WASSUP

WASSUP Super Club nina Mia, Jayvee, John, Mamalits dapat abangan

MATABILni John Fontanilla SA tagumpay sa negosyo ng isa sa original Sex Bomb na si Mia Pangyarihan na mayroong …

Atty Levi Baligod Malot Baligod

Atty. Levi Baligod gustong tutukan usaping ekonomiya sa Leyte

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ISA pang politiko ang nakaharap namin kamakailan. Ang kontrobersiyal na abogado …

Ara Mina Sarah Discaya 3

Ara kay Sarah — masarap makasama taong may mabuting puso

PUSH NA’YANni Ambet Nabus IPINAKILALA ni Ara Mina sa kanyang mga kaibigan sa entertainment media ang tinatawag …