Sam Verzosa SV Driven To Heal

Sam Verzosa taos sa puso ang pagtulong

I-FLEX
ni Jun Nardo

NAKALULULA ang presyo ng mga mamahaling luxury cars ng businessman and TV host na si Sam Verzosa.

Inilabas ni Sam ang luxury cars niya para sa isang charity event na Driven To Heal na ginanap sa Frontrow Office sa QC.

Ang proceeds ng kanyang charity event ay para magpatayo ng Dialysis  and Diagnostic Centers sa Manila.

Sa totoo lang, self made man si SV. Hangad niyang makatulong at makarating sa mga tao ang para sa kanilang pangangailangan.

Mabigat man ang laban sa Manila, naniniwala si Sam na basta taos sa puso ang pagtulong eh mabibiyaan ni Lord.