Thursday , October 10 2024
Paglulunsad ng Aklat ng Bayan Pagpupugay ng KWF sa mga Lokal na Manunulat at Editor

Paglulunsad ng ‘Aklat ng Bayan’: Pagpupugay ng KWF sa mga Lokal na Manunulat at Editor

GINANAP ang paglulunsad ng “Aklat ng Bayan” ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa Gusaling Watson, 1610 Kalye Jose P. Laurel, San Miguel, Lungsod ng Maynila. Ang okasyong ito ay tumatampok sa mga aklat at likha ng iba’t ibang lokal na alagad ng sining sa larangan ng panitikan.

Sinimulan ni Atty. Marites A. Barrios-Taran, Direktor Heneral ng KWF, ang paglulunsad ng Aklat ng Bayan. Ibinahagi niya ang mahalagang layunin ng pagdiriwang na ito—ang pagbibigay-halaga sa mga akda ng mga lokal na manunulat at editor.

Ayon kay Barrios-Taran, ang kaganapang ito ay pagkakataon upang marinig ang mga pananaw at karanasan ng mga awtor at editor tungkol sa pag-iimbak ng karunungan sa iba’t ibang disiplina gamit ang Filipino bilang wika ng pagsulat at pananaliksik. Hinikayat din niya ang lahat na magpatuloy sa pagpapayaman ng kamalayan ng mga Pilipinong mambabasa.

Nagbigay rin ng mensahe si Komisyoner Arthur P. Casanova, PhD, Pangulo ng KWF. Ipinahayag niya ang kanyang adhikaing maglimbag ng mas maraming diksyunaryong trilengguwal, pati na rin mga diksyunaryo sa mga araling panlipunan at iba pang larangan. Ayon kay Casanova, ito ay hakbang tungo sa higit na intelektwalisasyon ng wikang pambansa.

Idinagdag niya ang kanyang pangarap na magamit ng mga guro at propesor ang Filipino bilang midyum ng pagtuturo, gayundin ang pagpapayaman ng iba’t ibang wika sa Pilipinas.

Binigyang-diin ni Casanova ang kahalagahan ng pangangalap ng karunungang bayan, at mga akdang sining at pang-kultura upang mag-ambag sa preserbasyon ng kulturang Pilipino. Pinaabot din niya ang kanyang hangarin para sa kabataan na ipagmalaki ang mayamang kultura, wika, at panitikan ng lahing Pilipino.

Book Signing ng mga Awtor at Editor

Kabilang sa okasyon ang book signing ng mga bagong aklat ng mga iginagalang na manunulat at editor. Tampok dito ang:

  • Ang Berdugo at mga Piling Kwento, isinalin ni Aileen V. Sicat, awtor, Honoré de Balzac,
  • Maka-Pilipinong Pananaw: Mga Lapit sa Pagtuturo ng Panitikan, ni Ginoong Alvin B. Yapan
  • Kalipunan ng mga Akdang Dulang Mindanawon, likha nina Ginoong Arthur P. Casanova, PhD, Felimon B. Blanco, Rene V. Carbayas, Angelito G. Flores, Arnel M. Mordoquio, Sunnie C. Noel, at Pepito P. Sumayan, editor: Arthur P. Casanova

Kasama rin sa mga inilunsad na aklat ang:

  • Bokabularyong Traylingguwal: English-Hiligaynon-Filipino, leksikograpo, Agnes Dimzon at editor, Alain Dimzon
  • Tandang Bato: Ang mga Manunulat sa Aking Panahon, ni Efren R. Abueg
  • Pagdiriwang sa Haraya: Ang Panulaan at mga Aklat ng Impormasyon para sa mga Bata, ni Eugene Y. Evasco
  • Mga Meditasyon hinggil sa Unang Pilosopiya, ni René Descartes, isinalin ni Emmanuel C. de Leon
  • Margosatubig, ni Ramon L. Muzones, isinalin ni Agnes Dimzon

Ang paglulunsad ng mga publikasyon ay ipinapaabot ng KWF bilang paraan ng pagtatanghal ng kakayahan ng wikang Filipino sa malikhain at intelektuwal na gawain. (Mark John R. Arrojado, MCP)

About hataw tabloid

Check Also

Ramon San Diego Bagatsing III Pablo Dario Gorosin Ocampo

Haligi ng serbisyo publilko sa Maynila
BAGATSING AT OCAMPO NAGKAISA PARA SA BAGONG PILIPINAS

NAGSANIB-PUWERSA sa isang malalim na  makasaysayang pamana ng paglilingkod ang mga Bagatsing at Ocampo sa …

Alexandria Queenie Pahati Gonzales

“Queenie” magbabalik sa Mandaluyong City

MAGBABALIK sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang dating congresswoman ng nag-iisang distrito ng Mandaluyong City …

Vico Sotto Vic Sotto Coney Reyes

Vic at Coney walang kakaba-kaba sa muling pagtakbo ni Vico — Matatalino ang Pasigueño, style na bulok hindi na uubra

MA at PAni Rommel Placente NAGBIGAY ng reaksiyon si Vic Sotto sa mga naninira sa anak niyang …

Herbert Bautista Gian Sotto

Bistek muling tatakbo sa QC, kakalabanin VM Gian Sotto

I-FLEXni Jun Nardo MAGBABALIK din sa politika si former Quezon City Mayor Herbert Bautista mula sa source …

Isko Moreno Honey Lacuna

Yorme sa pagtapat kay Honey — Bahala na ang tao ang humusga kung sino ang gusto nila

I-FLEXni Jun Nardo PORMAL nang naghain ng candidacy bilang Manila Mayor aspirant si Isko Moreno kahapon ng …