Arjo Atayde Daniel Padilla Ian Veneracion

Arjo ‘di na tuloy seryeng pagsasamahan sana nila nina Daniel, Ian, at Richard

MA at PA
ni Rommel Placente

HINDI na pala  matutuloy si Arjo Atayde sa bagong serye ng ABS-CBN na pagbibidahan sana nila nina Daniel Padilla, Ian Veneracion, at Richard Gutierrez

Si Arjo sana ang napipisil ng Kapamilya network na pumalit kay Enrique Gil, na hindi magagawa ang serye, dahil sa rami ng trabaho. Pero ‘yun nga, hindi rin umubra si Arjo sa action-drama series ng Kapamilya. Ang ipinalit sa kanya ay si Baron Geisler.

So, third choice na pala si Baron para sa serye? Pero okey lang ‘yun, ang mahalaga ay napili at ikinonsidera siya sa action-drama series ng Kapamilya.

Ang dahilan kung bakit hindi tinanggap  ni Arjo ang serye, ay hindi siya puwede sa lock-in taping.  Hindi niya kakayanin, dahil tutok nga siya sa pagiging congressman ng first district ng Quezon City. Kung mawawala siya ng matagal dahil sa taping, mapapabayaan niya ang kanyang trabaho bilang mambabatas. Priority pa rin ni Arjo ang kanyang contstituents.