Thursday , June 4 2026
Showtime Eat Bulaga

Sa tapatan ng Eat Bulaga at It’s Showtime
SINO ANG BUMIDA AT NANGULELAT?

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

SA naging tapatan ng mga opening numbers ng It’s Showtime at Eat Bulaga, ipinagmalaki ng Kapamilya kingdom na tila kinulelat nila sa views ang huli.

Sa mga nakapanood, masasabi naman talagang pinaghandaan ng It’s Showtime lalo na ni meme Vice Ganda ang production number.

In fact, bidang-bida talaga si meme Vice at halos naging mga supporting players lang niya ang mga kasamang hosts.

Ayon sa mga socmed posts ng Kapamilya camp, umabot ng halos sa kalahating bilyon views ang nai-record ng It’s Showtime kompara sa 100k views ng Eat Bulaga.

Isang madiin at simpleng “may bago pa ba?,” ang isinagot sa amin ng isang ehekutibo ng TV5 sa iprinisinta naming balita.

“Kilala naman sa industriya ang ABS-CBN na magaling at numero uno sa pag-exaggerate ng figures, pag-padding at pagpapakalat ng mga ganyang figures at data, so?,” ang nakaiintriga nitong hirit.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …