Wednesday , April 17 2024
shabu drug arrest

Sa Malabon  
2 TULAK NG DROGA, HULI SA BUYBUST

DALAWANG tulak ng ilegal na droga ang nadakip matapos makuhaan ng mahigit P69,000 halaga ng shabu nang maaresto sa isinagawang buybust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay P/SSgt. Kenneth Geronimo, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SEDU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Cpt. Mark Xyrus Santos ang buybust operation kontra kay alyas Daysun, 42 anyos, babae, ng Brgy., Tañong matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa pagbebenta ng ilegal na droga.        

Isang undercover police na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksiyon kay Daysun ng P500 halaga ng droga.

Nang tanggapin ang marked money mula sa pulis kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang dinakip ng mga operatiba dakong 11:30 pm sa Gozon Compound, Brgy. Tonsuya, kasama ang kanyang kasabwat na si alyas  Andrew, 29 anyos.

Nakompiska sa mga suspek ang hindi kukulangin sa 10.2 grams ng hinihinalang shabu, nagkakahalaga ng P69,360 at buybust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

041624 Hataw Frontpage

Sa Batangas
P13.3-B SHABU NASABATDRIVER DI-LISENSIYADO
Promotion iginawad sa hepe ng pulisya

ni RODERICK PALATINO KAMPANTENG ibiniyaheng isang 47-anyos driver ng van kahit walang lisensiya sa pagmamaneho …

Bulacan Police PNP

2 durugista, 6 wanted, swak sa hoyo

Dalawang durugista at anim na wanted na mga kriminal ang sunod-sunod na inaresto ng pulisya …

PRO 4A handa at alerto para sa 2-Day Transport Strike

PRO 4A handa at alerto para sa 2-Day Transport Strike

Camp BGen Vicente P Lim – Nakahanda at asahang mapagbantay ang Police Regional Office CALABARZON, …

Sa 2 buybust operations sa Laguna P.5-M SHABU KOMPISKADO, 4 TULAK ARESTADO

Sa 2 buybust operations sa Laguna  
P.5-M SHABU KOMPISKADO, 4 TULAK ARESTADO

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang apat na drug personalities sa magkahiwalay na anti-illegal …

Philippine Food and Beverage Expo 2024

 ‘Pakinggan si Villar’
ANING MASAGANA LILIKHA NG TRABAHONG MARAMI  

INIHAYAG ni Senate Committee on Agriculture  and Food chairperson Sen. Cynthia A. Villar na mababawasan …