Sunday , April 28 2024
SM Foundation, partners naghatid ng serbisyong medikal sa Cagayan, Isabela Feat

SM Foundation, partners naghatid ng serbisyong medikal sa Cagayan, Isabela

SM Foundation, partners naghatid ng serbisyong medikal sa Cagayan, Isabela 1

NAGSAGAWA kamakailan ang SM Foundation at ang kanilang mga partners ng medical at dental mission sa Sta. Ana, Cagayan Valley at Santiago, Isabela, biglang pagpapatuloy ng kanilang misyon na palakasin ang kalusugan sa mga komunidad na nangangailangan.

Sa pakikipagtulungan sa BDO Network, JCI Cauayan Bamboo, at ang Local Government Unit ng Isabela at Cagayan, matagumpay ang inisyatibang ito sa rehiyon ng Cagayan sa pagbibigay ng mahigit 600 na serbisyong pangkalusugan, kabilang ang medical consultations, dental services, sugar tests, uric acid tests, cholesterol tests, x-rays, at ECGs.

SM Foundation, partners naghatid ng serbisyong medikal sa Cagayan, Isabela 2

Upang palawigin ang serbisyo, nagtungo rin ang SM Group sa Santiago, Isabela noong Marso 7 para sa isa pang yugto ng iba’t ibang medical at dental services para sa halos 800 na pasyente.

Kasama sa pagsasagawa ng programang ito ang mga partner na kinabibilangan ng BDO Network, SM Supermalls, JCI Cagayan Valley Region, LGU ng Sta. Ana, Cagayan, PNP, MDRRMC Sta. Ana, at Cagayan Valley Medical Center.

Sa pamamagitan ng kanilang medical missions at pakikiisa sa mga partners, patuloy ang SM Foundation sa paghahatid ng ng mga pangunahing serbisyong pangkalusugan sa kanilang mga benepisyaryo.

SM Foundation, partners naghatid ng serbisyong medikal sa Cagayan, Isabela 3

About hataw tabloid

Check Also

C5 Quirino flyover Villar

Sa Las Piñas  
C5 EXT. QUIRINO FLYOVER BINUKSAN SA MOTORISTA

BINUKSAN sa mga motorista ang C5 Quirino flyover, C5 extension sa lungsod ng Las Piñas. …

itak gulok taga dugo blood

2 anak pinagalitan,
BABAE PATAY SA TAGA NG AMA

PATAY ang isang 27-anyos babae matapos tagain ng kanyang ama dahil sa hindi pagkakaintindihan sa …

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …