Saturday , April 19 2025
Puregold

Sa Puregold
PRODUKTONG KILALA, AT MAY KALIDAD , PRESYO MAS PINABABA

LABIS na ikinatuwa ng mga netizens ang anunsiyo ng Puregold nang mas pinababang presyo ng mga bilihin sa kanilang Facebook page.

Marami ang nagsabi na malaking tulong ang diskuwento sa pagba-budget ng gastusin at dagdag  kita sa paninda.

Ipinahayag din ng mga netizen na hindi na nila kailangan magtiis sa mga brands na hindi kilala dahil quality pa rin ang hinahangad nila.

“Sa totoo lang, mahirap mag-try ng iba lalo na ‘pag ‘di kilala o ‘di alam kung saan galing,” sabi ng isang netizen.

“Iba rin kasi talaga ‘pag trusted at kilalang brand. Tiwala ka sa quality, e,” pagsang-ayon ng isa.

Maraming mga Ka-Asenso ang natuwa sa posibleng dagdag sa kanilang kita.

“Kahit papaano, ‘yung madi-discount ko, ito na rin ang ipapatong ko sa paninda,” at “Malaking tulong iyan sa puhunan para sa katulad kong tindera.”

Kabilang sa mga premyadong produkto na mas pinababa ang presyo sa Puregold ay ang paboritong grocery staples katulad ng cheese, chocolate drink, condensed milk, dishwashing liquid, at baby diapers.

Sa rami ng Puregold branches sa Kamaynilaan at mga lalawigan sa buong bansa, hinihikayat rin nila ang kanilang mga Aling Puring members at mga sari-sari store owners na mamili upang makasigurong de-kalidad na produkto ang paninda at magkaroon ng mas malaking tutubuing puhunan. 

“Ano ba ang pipiliin mo? ‘Yung produktong hindi mo alam kung saan nanggaling o ‘yung kilala at subok na pero abot-kaya naman. Hindi na kailangan pang isakripisyo ang kalusugan, kalidad at kaligtasan sa pagpili ng mga kailangang produkto sa hangaring makatipid dahil limitado ang budget. Sa Puregold, mas pinababang presyo ang mga kalidad na produkto.” (HATAW NEWS TEAM)

About Henry Vargas

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …