Thursday , June 4 2026
knife saksak

Binata, pinagsasaksak ng kalugar

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang binata makaraang pagsasaksakin ng kanyang kabarangay sa gitna ng mainitang pagtatalo sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Patuloy na ginagamot sa Valenzuela Medical Center (VMC) ang biktimang kinilalang si John Jerwin Cicat, 21 anyos,  residente sa Arasity St., Brgy. Tinajeros sanhi ng mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Isang follow-up operation ng Malabon City Police (MCP) ang isinagawa laban sa suspek, kinilalang isang alyas Pagoy, nasa edad 20-25 anyos, residente rin sa nasabing barangay.

Batay sa ulat ni P/SSgt. Jeric Tindugan, may hawak ng kaso kay Malabon City police chief P/Col. Jay Baybayan, dakong 6:30 pm nang magkaroon ng pagtatalo ang biktima at ang suspek sa Arasity St., Brgy. Tinajeros.

Sa kainitan ng pagtatalo, sinapak ng suspek ang biktima sabay naglabas ng patalim dahilan upang kumaripas ng tumakbo si Cicat para sa kanyang kaligtasan.

Dito ay hinabol siya ng suspek at nang maabutan ay sunod-sunod na inundayan ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan bago mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksiyon.

Nakita ng saksing si Jaime Melon, 25 anyos, kitchen staff at kapitbahay ng biktima na duguang nakaupo sa semento kaya agad siyang humingi ng tulong para maisugod sa naturang pagamutan. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …