Wednesday , July 17 2024
Ashzley Aya Nicole Paquinol Chess

PH woodpusher Paquinol sasabak sa Hainan, China

PAGKATAPOS ng co-champion (2nd place after the tie break was applied) sa Elementary Division ng Asenso Misamis Occidental National Open Chess Tournament, na ginanap kamakailan (8-9 Hulyo) sa Aya Hotel & Residences sa Clarin, Misamis Occidental, si Philippine woodpusher Ashzley Aya Nicole Paquinol ay nakatakdang lumaban sa Eastern Asia Youth Chess Championship sa Hainan, China.

Magkakaroon ng 12 kategorya, at naka-iskedyul mula 3 Agosto hanggang 11 Agosto ng taong kasalukuyan  sa Changjiang Chess Bay sa Hainan, Province, China.

Ang 12-anyos na si Paquinol, isang 1st year high school student ng Corpus Christi School sa Cagayan de Oro City, ay naglalayong itaas ang kanyang rating sa higit 2000, upang mailapit siya sa inaasam na titulong Woman FIDE Master.

“I hope to do well in this event,” ani Paquinol.

Si Paquinol na natutuhan ang mga simulain ng larong chess sa edad na 8 anyos ay nag-uwi ng kabuuang apat na medalya sa Under-12 Girls category sa 21st ASEAN+ Age-Group Chess Championships 2023 noong 25 Hunyo.

Nakuha ni Paquinol ang individual gold medal sa rapid event. Nanalo rin siya ng silver medal sa team event ng Standard, Rapid at Blitz competition.

Si Paquinol ay nasa mahigpit na pagsasanay sa ilalim ng gabay ng kanyang personal coach na si FIDE Master Nelson Villanueva. (MARLON BERNARDINO)

About Marlon Bernardino

Check Also

PBA draft 2024 Justine Baltazar

Justin Baltazar, no.1 pick sa PBA Season 49 Draft

PINILI ng Converge Fiberxers team si Justine Baltazar, 27 anyos, 6-foot-9 UAAP Champion noong 2016, …

Shakey’s Super League National Invitational inilunsad

Shakey’s Super League National Invitational inilunsad

INIHAYAG ni Vicente L. Gregorio, Shakey’s Pizza Asia Ventures Inc. (SPAVI) President/CEO (may mikropono) ang …

Tristan Jared Cervero Chess

Cervero naghari sa Marikina chess tournament

Marikina City — Naghari si Tristan Jared Cervero, isa sa mga nangungunang manlalaro ng Ateneo …

Jan Emmanuel Garcia Xiangqi

ADMU chess team program Head Jan Emmanuel Garcia nanatili sa tuktok ng liderato

Standing After Round 3: (Group B)3.0 points — Jan Emmanuel Garcia, Wang Sing, Cai Jiu …

SLP Cavite Wahoo

Blue Wahoos kampeon sa SLP swimfest

Tinanghal na overall champion ang Cavite Blue Wahoos Swimming Club sa katatapos na Swim Battle …