Thursday , July 25 2024
Ruru Madrid Yllana Marie Aduana Best Label  Solutions Inc

Ruru at Ms Earth Philippines 2023 Yllana Marie pinangunahan pagbubukas ng Best Label  Solutions Inc.

MATABIL
ni John Fontanilla

NAGING matagumpay ang grand opening ng Best Label Solutions Inc. na ginanap noong Linggo, July 9 sa kanilang opisina at production floor sa Sta Maria, Bulacan sa pangunguna ng batambatanh CEO nitong si Abdani Tapulgo Galo Jr. kasama ang nakababatang kapatid at COO na si Jevy Tabulgo Galo.

Present din sa grand opening ang Best Label Solutions Inc. Chairman na si Mr. Abdani Galo  at ang butihing asawa nitong si Ms Jennifer Tapuldo Galo na nagbigay ng napakaganda at inspiring message para sa kanilang mga anak. Dumalo rin sa pagtitipong iyon ang kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Ang Best Label Solutions Inc. ay isang family owned label printing business na pamamahalaan nina Abdani, 19, at Jevy, 18 na kahit mga bata pa, very hardworking at naka-focus sa pagpapalago ng kanilang negosyo. Target ng magkapatid na maabot ang kanilang pangarap at ma-penetrate nila ang international market at magkaroon sila ng mga client doon.

Sa ngayon ay wala pang balak kumuha ng ambassador ang magkapatid para sa kanilang negosyo. Kung sakali, si  Yassi Pressman ang isa sa napupusuan nila.

Wala rin silang balak pumasok sa showbiz at mag-artista, mas gusto nilang tutukan at paunlarin ang kanilang negosyo na ipinagkatiwala ng kanilang mga magulang sa kanila.

Espesyal na panauhin ng hapong iyon  sina Kapuso Action Prince Ruru MadridMs Earth Philippines Yllana Marie AduanaDustine Mayores (actor/ influencer), Cloe Redondo (singer/ influencer), Archie Aguilar(singer/influencer), Katkat Manimtim (social media influencer), Daniel Bernardo (social media influencer), Bugoy Cariño (actor/ influencer) and Dior Veneracion (singer/ social media influencer).

About John Fontanilla

Check Also

Benhur Abalos Perci Intalan

Birthday ni Sec Benhur dinaluhan ng mga kaibigan sa showbiz at politics; Direk Perci sinagot pasaring ni Atty. Topacio

PUNOMPUNO ang EDSA Shangri-la Hotel noong Biyernes dahil mula sa mga kaibigan   sa showbiz at politics …

Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine nakatulong pagiging palaban sa pagpasok sa Wil to Win

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAPWA magaling na aktres sina Quinn Carillo at Christine Bermas ng Vivamax kaya mula sa  pagpapa-sexy ay …

Marian Rivera Kath Melendez Nekocee

Kath Melendez ng Nekocee na-starstruck kay Marian

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAKING challenge para sa production ng Cinemalaya movie ni Marian Rivera, ang Balota kung paano siya …

Nora Aunor Maricel Soriano Alden Richards

Nora, Maricel, at Vilma triple tie for best actress sa 40th Star Awards

ni ROMMEL GONZALES TABLA, yes it’s a tie sina Dingdong Dantes at Alden Richards bilang Movie Actor of the …

Kumu

KUMU  top live streamers  ng SM Agency gustong pasukin ang showbiz

MATABILni John Fontanilla MAGANDA ang bawat kuwento ng  ilang top live streamers ng  SM Agency na umatend …