Wednesday , July 17 2024
arrest prison

 Road rage killer sa Bulacan arestado sa Camarines Sur

Matapos ang may ilang buwang pagtatago ay tuluyang nahulog sa kamay ng batas ang suspek sa pagpatay ng isang binatilyo sa insidente ng road rage sa Norzagaray, Bulacan noong nakaraang taon.

Ang mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang umaresto sa suspek sa bayan ng Calabanga, Camarines Sur nitong Hunyo 28.

Sa naantalang ulat kamakalawa, Hulyo 1, ang mga tauhan ng CIDG ay naaresto si Michael Torrazo, 42 sa kanyang bahay sa Brgy San Lucas, Calabanga matapos i-hostage ang kanyang sariling pamilya ng mahigit isang oras.

Si Torrazo ang pangunahing suspek sa pagpatay sa binatilyong si John Paul Benedicto sa naganap na road rage sa Norzagaray, Bulacan noong Nobyembre 7, 2022.

Napag-alaman mula sa CIDG na ang suspek ay pumalag pa nang aarestuhin at binaril ang mga operatiba gamit ang sumpak pero nag-jammed ito.

Dito na gumanti ng putok ang mga awtoridad sanhi upang masapol ng bala ang suspek sa kanang hita nito.

Pero may hawak pa itong granada at ginawang human shield ang pamilya na pinagbantaang ihahagis ang explosibo sa kanila.

Ang hostage drama at negosasyon ay tumagal ng mahigit isang oras hanggang kalaunan ay sumuko na rin ang suspek dahil sa nararamdamang sakit sa tama ng bala sa hita. 

Nakatakdang dalhin sa Norzagaray, Bulacan ang suspek kung saan naganap ang insidente at dito harapin ang kinasangkutang kaso. (Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

Pasay LGU at CWC, lumagda para sa Makabata Helpline 1383

Pasay LGU at CWC, lumagda para sa Makabata Helpline 1383

LALONG PINALAKAS ng Pasay city government ang inisyatibang palawakin at seryosohin ang pangangalaga sa kapakanan …

arrest prison

Kapwa may asuntong Child Abuse
AKUSADO INARESTO SA PRESO
Isa pang MWP nasakote 

DALAWANG lalaki na nakatala bilang most wanted persons (MWP) ang nalambat ng pulisya sa magkahiwalay …

France Castro Satur Ocampo

 ‘CONVICTION’ SA CHILD ABUSE KINONDENA
‘Power of Red taggers’ inginuso

KINONDENA ng mga makabayang kongresista at mga militanteng grupo ang ipinataw na hatol ng Tagum …

Egay Erice Comelec

$15-M bank account ng Comelec official ibinunyag ng ex-Cong

TILA ‘isinampal’ ni dating Caloocan representative Egay Erice sa tanggapan ni Commission on Elections (COMELEC) …

Eng Bee Tin

Unang “National Hopia Day” celebration sa 19 Hulyo pangungunahan ng Eng Bee Tin

GAGANAPIN ang kauna-unahang selebrasyon ng “National Hopia Day” sa Filipinas sa 19 Hulyo 2024, na …