Saturday , May 4 2024
AKSYON AGAD ni Almar Danguilan
AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Katarungan, pangako ni QC Mayor Joy para kay TE Antolin

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

NAKALULUNGKOT ang nangyari nitong nakaraang linggo sa isang traffic enforcer ng Quezon City Traffic and Transport Management Department. Lingid sa ating kaalaman, isa sa puhunan ng isang enforcer sa pagtatrabaho sa lansangan ay ang kanyang buhay… at hayun, nangyari nga ang hindi inaasahang trahedya.

Kitang-kita sa akto sa kuha ng CCTV kung paano nagbuwis ng kanyang buhay si traffic enforcer Jeffrey Antolin. Ang kanyang pagkamatay ay maituturing na makabuluhan. Bagamat, sa bahagi ng kanyang pamilya, mahirap tanggapin ang sinapit ni Antolin. Mantakin ninyo, matinong nagpapatupad ng trabaho para sa bayan pero, ano…dahil lang sa isang iresponsableng driver, binawian ng buhay ang enforcer.

Pero ano pa man, hindi matatawaran ang pagbubuwis ng buhay ni Antolin…dahil kung hindi sa kanya ay tiyak na mas marami pa ang nadisgrasya maging ang bilang ng namatay.

Hindi nasayang ang buhay mo TE Antolin… isa kang bayani.

Nitong 23 Marso 2023, habang nagpapatupad ng kanyang trabaho si Antolin sa A. Bonifacio Avenue, Barangay Balingasa, QC, dakong 5:30 pm, hindi lang siya nahagip ng 14-wheeler truck kung hindi sinagasaan at nagulungan pa.

Bago ang insidente, nagmamando si Antolin ng daloy ng mga sasakyan sa lugar partikular sa bahagi ng pedestrian lane. Inaalalayan niya ang mga tumatawid sa pedestrian lane. Pinahinto niya muna ang mga parating na sasakyan para makatawid ang mga pedestrian pero hayun may isang ten-wheeler truck na minamaneho ni Joel Dimacali  ng Tondo, Maynila ay naging pasaway. Imbes huminto ay patuloy sa pag- andar hanggang masagasaan si Antolin at saka siya huminto.

As usual, ang palusot ng driver ay nawalan siya ng preno…iyan naman ngayon ang iniimbestigahan kung may katotohanan ang alibi ng driver pero hindi pa rin siya lusot. Oo, kinasuhan na siya ng reckless imprudence resulting in homicide.

Pero bago pa tuluyang masagasaan si Antolin, nagawa pa niyang itulak at maligtas ang isang pedestrian na naka-bike upang hindi masagasaan. Hayun, sa pagliligtas sa nakabisikleta, doon na nasagasaan si Antolin. Talagang ibinuwis niya ang kanyang buhay.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan si Antolin pero hindi na umabot nang buhay dahil sa pinsala sa ulo at katawan. Ikaw ba naman ang masagasaan ng truck.

Nakalulungkot man ang nangyari kay Antolin, masasabing hindi nasayang ang lahat, lalo ang kanyang paglingkod sa bayan kung saan buhay ang kanyang ibinuwis. Kung hindi niya kasi ginagawa ang mga tamang paraan, marahil ay mas maraming buhay ang binawian ng buhay sa pangyayari.

Yes, hindi naman kagustuhan ng driver ang nangyari pero kung ang katuwiran niya ay nawalan ng preno…aba’y dapat bago inilabas ang truck sa garahe ay dumaan muna sa sinasabing mechanical inspection para matiyak ang seguridad. Anyway, baka sumailalim ito sa inspeksiyon at talagang aksidente ang lahat.

Sa iyo TE Antolin, isa kang bayani na dapat pamarisan ng mga kapwa enforcer lalo iyong makakapal ang mukha na pulos pangongotong lang ang alam. Isa kang bayani.

Bagamat, kinilala ni QC Mayor Joy Belmonte ang kabayanihan ni Antolin at hindi lang pinangakuhan ang pamilya nito ng mga kailangan suporta, materyal at pinansyal kung hindi…hanggang makamit ni Antolin sampu ng kanyang pamilya ang katarungan.

About Almar Danguilan

Check Also

YANIG ni Bong Ramos

Umarangkada na
Mga kandidato para sa 2025 local & national elections maagang sinimulan pang-uuto sa publiko

YANIGni Bong Ramos BAGAMA’T isang taon pa ang nakatakdang local & national elections, maagang sinimulan …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Ang paliit nang paliit na mundo ni Quiboloy

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. HINDI ko alam kung alin-alin sa mga nagiging desisyon …

Dragon Lady Amor Virata

COS, JO employees hinimok ni PBBM, dapat kumuha  ng Civil Service exams

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata NAPAKAGANDA ng sinabi ni PBBM na huwag manatiling contractual …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …