Wednesday , June 24 2026
Vilma Santos Baby Peanut

Ate Vi tiniyak magiging artista rin ang apong si Baby Peanut 

MAGIGING artista rin ang apo ko!” Ito ang tinuran ni Ms Vilma Santos sa kanyang apong si Baby Peanut na anak nina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa paglulunsad sa kanya bilang celebrity ambassador ng Angkas.

Nakamusta kasi sa Star for All Season ang apong si Peanut at natanong kung kailan niya ito gagawan ng vlog bilang isa na rin siyang vlogger.

At nag-promise si Ate Vi na gagawan niya ng vlog ang dalawang buwang apong si Baby Peanut na marami na ang nag-aabang ngayon pa lang. Hahanapan lamang niya ng tamang pagkakataon ang magiging “collab” nila ng kanyang apo at talagang looking forward siya na maipakita ang mga bonding moments nilang maglola.

Feeling  nga ngmovie icon, magiging artista rin ang apo, “Maarte siya. Sa posing niya, you can tell, artista ‘to. She’s very pretty. I’m so excited. I’m really looking forward when she grows bigger.  

“Ipinakita ko na actually (si Baby Peanut). Matagal kong hinintay ito na magkaapo. Heaven ang feeling! She is just two months, so she is yet to call me Momsie, like what my pamangkins call me.

“I am looking forward when she probably turns seven months or one year old when you see that she’s kerengkeng na. I will enjoy her more,” excted na sabi ni Ate Vi. Angkas.

Samantala, ibinahagi rin ni Ate Vi ang isang eksena nila ng asawang si Sen. Ralph Recto noong kabataan nila. Ito ay may kinalaman sa motorcycle bilang siya na ang bagong ambassador ng Angkas.

“Sinusundo ako ni Ralph sa motorcycle niya. Talagang nakaangkas ako sa likod niya na naka-gown pa. Sinusundo niya ako sa ‘Vilma’ show tapos sabi niya, ‘Ride with me!’

“Eh, nag-aaway pa kami. Pipilitin niya akong umangkas sa kanya tapos binibilisan niya. Eh, may traffic, pagdating sa traffic light, nakatapat ako sa bus. Wala pa naman helmet noon.

“‘Yung lahat ng (pasahero) na nasa bus, nakatingin sa akin, ‘Si Vilma Santos ba ito?’ Naka-gown pa ako, naka-angkas, naka-heels pa, ‘di ba? Pero pagdating namin sa pupuntahan namin, binreyk ko siya, ha ha ha.

“Natakot kasi ako sa ginawa niya. Pero enjoy talaga, so sanay ako sa motorcycle,” pagkukuwento pa ni Ate Vi. (MValdez)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Nartatez PNP

2 pulis timbog sa rape at pambubugbog ng misis

INARESTO ang dalawang aktibong pulis na may magkahiwalay na kaso ng rape at domestic violence …

Tacloban School Gun Shooting

Sa insidente ng pamamaril sa Tacloban
3 ESTUDYANTE NAPASLANG 20 PA NASAKTAN, SUGATAN
40 basyo ng bala nakuha sa crime scene

HATAW News Team TATLONG kabataang estudyante ang napaslang habang umakyat na sa 20 ang iniulat …

Amenah Pangandaman DBM Money

PH No.1 sa budget transparency – IBS

NAPANATILI ng Filipinas ang pagiging numero uno pagdating sa budget transparency  sa buong Southeast Asia, …

Janeena Chan David Licauco Fabio Ide, Ellen Frojd Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Janeena Chan iwas na sa puyat at sobrang trabaho simula nang magka-Bell’s Palsy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAS pinahahalagahan na ngayon ni Janeena Chan ang sarili at kalusugan kaysa trabaho. …

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …