Wednesday , February 28 2024
Darryl Yap

Direk Darryl nakailang benta ng kotse at lipat bahay dahil sa death threat

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

PAPALAPIT na ang kinasasabikan ng marami. Ito ay ang pagpapalabas ng Martyr Or Muderer, ikalawang yugto ng Maid In Malacanang

Super excited ang cast at very proud sila na mapabilang dito. Si Ruffa Gutierrez ay laging nasa isip si Madam Imelda Marcos na kahit sa pagtulog ay katabi ang larawan ng dating First Lady. 

Si Cesar Montano naman ay nahahawig na ang dating Pangulong Ferdinand Macos na pati ang hairdo ay kopyang-kopya. 

Si Beverly Salviejo ay gumaganap na Biday na ang name talaga ay Fely. Nakasama ko si Fely sa New York as one of the staff of the former First Lady during the trial of the century.

Hindi itinatanggi ni Direk Darryl Yap ang maraming death threat na kanyang natatanggap. There was a time na nagkaroon siya ng bodyguard pero naiilang siya na pinagbubukas pa siya ng pinto ng niyon. Ilang beses na siyang nagbenta ng kotse at naglipat ng bahay para iligaw ang masasama ang loob na may tangka sa kanyang buhay.

Okay lang siya sa mga basher at mas lalong pinag-uusapan ang pelikula niya na naging blockbuster. 

Matapang at maangas si direk Darryl at a young director. Hindi pa man nailalabas ang Martyr Or Murderer ay iniisip na niya ang pangatlong episode ng pelikula. Kaya panoorin natin ang MoM sa March 1.

About Joe Barrameda

Check Also

Maricar dela Fuente

Maricar dela Fuente happy sa takbo ng career, wish maging active ulit sa showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA si Maricar dela Fuente sa mga dumarating sa kanyang …

Jo Berry Lilet Matias Attorney At Law

Jo Berry pangarap ng amang maging abogado natupad

RATED Rni Rommel Gonzales LITERAL na napaluha kami habang nagbabalik-tanaw si Jo Berry sa napakasaklap na karanasan …

Dominic Roque Bea Alonzo

Hiwalayang Bea at Dominic pinagma-maritesan ng mga socialite

COOL JOE!ni Joe Barrameda HANGGANG ngayon ay palaisipan pa rin sa mga netizen ang biglang …

Jo Berry

Jo Berry kabado seryeng papalitan napakataas ng ratings

COOL JOE!ni Joe Barrameda  MATAGAL din nawala Si Jo Berry bago nabigyan ulit ng project sa GMA. Bago …

Angelica Jones Angelo

Angelica Jones sumangguni na sa abogado, ama ng anak idedemanda

NANGINGILID ang luhang ibinahagi ni Angelica Jones na tuloy ang laban sa tatay ng kanyang anak. Sa …