Wednesday , February 21 2024
Jan B Entertainment Digital artists

Digital artists ng Jan B Entertainment palaban sa kantahan

MA at PA
ni Rommel Placente

NOONG  Miyerkoles ng gabi, ipinakilala sa entertainment press ng Jan B Entertainment NYC. LLC ang kanilang mga talent na pawang mga singer, na tinawag na digital artists. Ito ay sina Ashley, Tif, Almyn, Boyong, at Chelle.

In fairness, lahat sila ay may magagandang tinig. Humanga kami sa kanila nang pakantahin muna sila bago ang presscon proper. Kaya naniniwala kami na may mararating sila sa music industry.

Ayon kay Chelle, ang paborito niyang singer sa local ay si Regine Velasquez while ang namayapang singer naman na si Whitney Houston ang paborito niyang international singer. Sumasali noon si Chelle sa mga singing contest at nananalo naman siya. ‘Yun nga lang ay puro trophies ang naiuuwi niya at walang cash.

Si Almyn na isang police woman ay mula sa pamilya ng musicians. Gaya ni Chelle, si Regine rin ang paboritong local singer ni Almyn. Ayon sa kanya, hindi naman niya talaga intensyon na pasukin ang showbiz o music industry.

Since nandito na ako, I just want to showcasae my talent,” sabi ni Almyn.

Si Boyong ay isang rakista. Sa tanong sa kanya kung ano ang natanggap niyang best comment at worst comment, ang sagot niya, “Ang best comment is,’you rock’. Worst comment, so far, wala pa naman.”

Tungkol naman kay Ashley, marami siyang idols na singer. Pero hindi siya nagbanggit ng pangalan. Aniya, ayaw niyang sundan ang yapak ng mga ito. Gusto niyang magkaroon siya ng sariling identity.

Sina Sarah Geronimo at Morisette Amon naman ang paboritong singes ni Tif.

About Rommel Placente

Check Also

Ryza Mae Dizon Enrique Gil

Ryza Mae nawindang sa halik ni Enrique

I-FLEXni Jun Nardo GRABE rin ang naging kilig ni Ryza Mae Dizon nang maging contestant  si Enrique Gil sa …

Maris Racal Rivermaya

Maris Racal umeksena sa concert ng Rivermaya: Rico My Oppa!

I-FLEXni Jun Nardo KINABOG ni Maris Racal ang lahat ng nanood ng reunion concert ng bandang Rivermaya nitong nakaraang …

marriage wedding ring

Magkakarelasyong bakla ‘di tamang bigyan ng bendisyon sa simbahan

ni Ed de Leon DITO sa showbusiness marami kaming nakakasamang bakla sa aming trabaho. Ok …

Jennylyn Mercado Dennis Trillo Dylan

Dennis at Jen tiyak na magtatagal

INAMIN nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na may panahon palang muntik na rin silang maghiwalay dahil sa selos. …

Kris Aquino Boy Abunda Bimby Josh

Kris initsapwera sina James at Ipe, Josh at Bimby ‘di inihabilin

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin malaman kung humihingi ba ng awa si Kris Aquino at ngayon …