Thursday , February 29 2024
Jillian Ward

Dance video ni Jillian humahakot ng views

RATED R
ni Rommel Gonzales

PATULOY na humahakot ng napakaraming views ang Abot Kamay Na Pangarap videos sa TikTok. Bukod dito bumubuhos din ang suporta ng netizens sa lead star ng serye na si Jillian Ward.

Napapanood si Jillian sa trending na GMA inspirational-medical drama series bilang ang genius at pinakabatang doktor sa bansa na si Dra. Analyn Santos.

Bukod sa kilala si Jillian bilang isang aktres, itinuturing din siya ng netizens na isang social media star.

Nito lamang February 1, isang bagong dance video ang in-upload niya sa kanyang social media accounts.

Makikita si Jillian sa video habang sumasayaw suot ang kanyang tie-dye t-shirt sa loob ng isang dressing room.

Sa TikTok, mayroon nang mahigit 133,000 views at halos 30,000 likes ang naturang video ng aktres.

Sa Facebook naman ay humakot na ang video ng mahigit 220,000 views at 27, 000 likes.

About Rommel Gonzales

Check Also

Maricar dela Fuente

Maricar dela Fuente happy sa takbo ng career, wish maging active ulit sa showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA si Maricar dela Fuente sa mga dumarating sa kanyang …

Jo Berry Lilet Matias Attorney At Law

Jo Berry pangarap ng amang maging abogado natupad

RATED Rni Rommel Gonzales LITERAL na napaluha kami habang nagbabalik-tanaw si Jo Berry sa napakasaklap na karanasan …

Dominic Roque Bea Alonzo

Hiwalayang Bea at Dominic pinagma-maritesan ng mga socialite

COOL JOE!ni Joe Barrameda HANGGANG ngayon ay palaisipan pa rin sa mga netizen ang biglang …

Jo Berry

Jo Berry kabado seryeng papalitan napakataas ng ratings

COOL JOE!ni Joe Barrameda  MATAGAL din nawala Si Jo Berry bago nabigyan ulit ng project sa GMA. Bago …

Angelica Jones Angelo

Angelica Jones sumangguni na sa abogado, ama ng anak idedemanda

NANGINGILID ang luhang ibinahagi ni Angelica Jones na tuloy ang laban sa tatay ng kanyang anak. Sa …