Tuesday , February 27 2024
Juancho Triviño Padre Salvi LRT

Padre Salvi nag-enjoy sa pagsakay sa LRT

RATED R
ni Rommel Gonzales

WALANG awat sa pagrampa sa makabagong mundo si Padre Salvi. Sa katunayan ay may panibagong adventure ito sa modernong mundo, na sumakay sa tren ng LRT nang mahuli sila ni Renato sa kanilang paroroonan.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Juancho Triviño, na gumaganap bilang si Padre Salvi sa Maria Clara at Ibarra, ang pagkainit ng ulo ng pari nang hindi naayos ni Renato, na ginagampanan ni Kiel Rodriguez, ang kanilang oras.

Kasama rin nila si Roven Alejandro, na gumaganap bilang si Don Tiburcio, na nakagayak namang pang-ordinaryong Filipino.

Sa kanyang pagsakay sa LRT, namangha si “Padre Salvi” sa bilis ng takbo nito at pakiramdam niya, para siyang lumilipad.

Ngunit pagbaba nila ng tren, napagtanto nilang mali ang kanilang destinasyon. Naiwan sila ng tren kaya muli silang naghintay ng panibago.

“Pumalpak na naman si Renato sa aming calendaryo at kami tuloy ay nahuli sa aming pupuntahan. Pano tayo niyan [mga] kaibigan?” caption ni Juancho.

Kinaaliwan ng maraming netizen ang pinakalatest na #PSAdventures.

“Kelangan ng sariling spin off show ni PS hahahahaha,” ayon sa isang netizen.

“Padre ang alam ko bawal ang maingay jan,” paalala naman ng isa pa.

“Bus naman sa sunod padre!” hiling naman ng isang netizen.

About Rommel Gonzales

Check Also

Sylvia Sanchez Lorna Tolentino

Sylvia hataw ang tandem kay LT, Nathan Studios mas magiging aktibo ngayong taon

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGIGING abalang-abala ngayong taon ang premyadong aktres na si Sylvia …

David Pomeranz When Magic Hurts

David Pomeranz ipinagkatiwala kantang Got to Believe in Magic sa pelikulang When Magic Hurts

I-FLEXni Jun Nardo PUMAYAG ang foreign singer na si David Pomeranz na gamitin ang kanta niyang Got To …

Blind Item, Man Woman Fighting

Actress-host wa na epek ang pamba-blackmail na magpapakamatay kay poging BF

I-FLEXni Jun Nardo ON and off ang relasyon ng showbiz couple na ang babae ay …

Blind Item, Gay Lovers, matinee idol, male star

Batikang showbiz gay nalansi ni poging kontesero na make-up artist din pala

ni Ed de Leon MINSAN talaga ano man ang talino ng matsing, nau-unggoy pa rin. …

Vilma Santos

Ate Vi sa fans — Hindi ako magsasawang bigyan ng priority ang kanilang kasiyahan

HATAWANni Ed de Leon ANO nga ba ang halaga ng isang acting award? Bigyan ka …