Tuesday , July 16 2024
Faith Da Silva

Faith Da Silva pinanggigigilan ng netizens

RATED R
ni Rommel Gonzales

HINDI pikon sa halip ay game na sinagot ng Kapuso actress na si Faith Da Silva ang mga bumabatikos sa kanyang character sa GMA Afternoon Prime series na Unica Hija.

Sa soap opera, napapanood si Faith bilang si Carnation, ang tumatayong kapatid ng bidang si Hope, na ginagampanan ni Kate Valdez.

Hindi maganda ang trato ni Carnation at ina niyang si Lorna (Maricar De Mesa) kay Hope dahil ito ay inampon lamang ng kanilang padre de familia na si Jhong (Biboy Ramirez).

May pagkamaldita si Carnation at hindi nakapagtapos ng pag-aaral kaya madaling maimpluwensiyahan ng kanyang oportunistang ina na si Lorna.

Ayon kay Faith, bilang Carnation ay “gigil na gigil siya kay Hope” na requirement para sa kanyang role. Pero in real life, nilinaw nitong walang bad blood sa kanila ni Kate.

Aniya sa isang online exclusive video, “Love na love ko si Kate dahil malalim na po ang pinagsamahan namin. We’ve been friends for a long time and super love ko s’ya. Sobrang gaan niya katrabaho and, at the same time, masaya lang ‘yung set namin kasi tawa kami nang tawa.”

Idiniin din ni Faith sa mga basher ni Carnation na isa itong kontrabida sa telebisyon at gawa-gawa lamang ang character na ito.

“Gusto ko lang din pong klaruhin sa lahat na siyempre itong si Carnation ay character lang naman ‘to, ‘wag kayo ma-high blood. I-enjoy n’yo na lang ‘yung ‘Unica Hija,’” aniya.

Nagpasalamat naman si Faith sa mga tumatangkilik sa Unica Hija dahil sa mataas na ratings ng programa.

“Salamat sa suporta n’yo, sa walang sawa talaga. Every day nakikita ko nagko-comment kayo, nagpo-post kayo, at tina-tag n’yo ko. I’m very grateful at ang buong ‘Unica Hija’ team,” dagdag pa niya.

“At sana masubaybayan n’yo pa ang ‘Unica Hija’ dahil patindi nang patindi ang mga eksena.”

About Rommel Gonzales

Check Also

Maris Racal Rico Blanco Anthony Jennings

Maris nilinis pangalan ni Anthony; Rico pinagtagpo pero hindi itinadhana

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “ANTHONY is out of the picture.” Ito ang agad na nilinaw …

Bini SB19 Flow G

SB19, Bini pinadagundong ang Araneta, Puregold’s Thanksgiving Concert star studded

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBINGI at parang nasira ang aming ear drum sa sobrang …

Alden Richards It’s Showtime

Alden nagkaroon ng biglaang meet & greet sa It’s Showtime 

I-FLEXni Jun Nardo INAKYAT ni Alden Richards ang itaas na bahagi ng It’s Showtime studio nang mag-guest siya sa …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Male Starlet walang maipagmalaking project kahit nakakontrata sa isang kompanya

ni Ed de Leon ANG bagay nga sigurong project para sa isang male starlet ay “Bata. Bata …

James Reid Issa Pressman

James Reid lipas na, inulan ng panlalait sa internet 

HATAWANni Ed de Leon KAWAWA rin naman si James Reid kung noong panahon ng kanyang kasikatan ay …