Saturday , June 15 2024
Paolo Contis Mother

Paolo Contis grabe ang iyak nang banggitin ang wish sa ina

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

NAIYAK naman ako habang pinanonood ang one on one interview ni Boy Abunda kay PaOlo Contis. Kung nakaiiyak ang part 1 ng interview, mas emotional si Paolo lalo nang tungkol sa isang maysakit ang pinag-usapan nila. 

Matagal na palang hindi in good terms si Pao sa kanyang ina. Kaya bago namatay ang ama ay ipinagbilin nito kay Paolo na huwag pababayaan ang ina na nangako naman ito. Gayunman ay hindi masyadong natutukan ni Paulo ang ina dahil siguro sa mga personal problem niya.

Itinanggi naman ni Paolo na si Yen Santos ang dahilan ng paghihiwalay nila ni LJ Reyes. Magkaibigan pa lang daw sila noon at nang machismis siya noong nasa Baguio sila ni Yen ay matagal nang nakaalis si LJ kasama ang dalawang anak sa New York. Nagsasama pa raw sila ni LJ ay lagi silang may away at nagkaka-problema na. Ang pagkakamali niya ay nalimutan niya ang mental health ni LJ na isa sa naging dahilan ng paghihiwalay nila. 

Ngayon ay inamin na niya na girlfriend niya sa kasalukuyan si Yen. Bago siya pumunta sa interview ni Boy ay isinugod niya ang ina sa ospital dahil sa seizure nito. Okey naman daw ang lagay ng ina at pinayagan siya ng kuya niya na makapunta sa nasabing interview.

Wish ni Paulo na nasaksihan ng ina ang kanyang pagbabago bago man lang ito mawala. Hindi raw nakita ng kanyang ama ang kanyang pagbabago. Kaya maluha- luhang binibigkas ni Paolo sa ina ang wish niya.

About Joe Barrameda

Check Also

TMFF The Manila Film Festival 2024

Tabing ng TMFF ‘24 ibinaba na pelikulang “Three for 100” kinilalang Best Film

PORMAL nang ibinaba ang tabing ng “The Manila Film Festival 2024” noong Martes ng gabi …

Sanya Lopez

Sanya napraning sa stalker

MA at PAni Rommel Placente INAMIN ni  Sanya Lopez sa interbyu sa kanya sa Chika Minute sa 24 Oras, na …

Vilma Santos Sharon Cuneta Maricel Soriano Nora Aunor

Vilma, Sharon, Maricel, at Nora magsasalpukan sa 40th Star Awards for Movies

MA at PAni Rommel Placente KAABANG-ABANG kung sino sa apat na movie queens na magsasabong …

Charles Raymond Law

New heartthrob ng Viva wish makagawa ng mala-Freddie Highmore role sa The Good Doctor

MATABILni John Fontanilla NAGDIWANG ng kanyang ika-16 birthday ang future heartthrob ng Viva Entertainment na si Charles Raymond …

Wize Estabillo

Bidaman Wize inalok ng P1-M kapalit ng one night stand

MATABILni John Fontanilla DAGSA ang natatanggap na indecent proposal ni Wize Estabillo sa kanyang mga social media …