Tuesday , April 23 2024
aldub alden richards Maine Mendoza

Alden itinangging ikinasal at may anak kay Maine

RATED R
ni Rommel Gonzales

SA wakas ay nagsalita na at tinapos na ni Alden Richards ang walang kamatayang isyu na ikinasal at nagkaroon sila ng anak ni Maine Mendoza na katambal niya sa phenomenal love team nila noon na AlDub.

I think everything is already self-explanatory,” simulang sinabi ni Alden sa guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda.

“Uulitin ko po. During the AlDub era, nagpapasalamat po kami sa lahat ng suportang ibinigay niyo sa amin, and sa lahat po ng pagmamahal… Masaya po kami na napasaya namin kayo.”

At dito na nilinaw ni Alden ang obvious naman noon pa, na magkaiba na sila ng landas na tinahak ni Maine pero magkaibigan pa rin sila.

But right now po kasi, kami ni Maine we’re at a point na we’re not getting any younger, and we’ve already made our, of course, personal choices. We’re very good friends up to this point.

“Wala po, wala po,” ang mariing sagot ng Asia’s Multimedia Star tungkol sa isyu ng kasal at anak nila ni Maine.

I started being a public figure when I started in the industry. As I grow older may nakikita po akong cycle na ‘pag celebrity ka you always cater to what people want, of course especially lahat ng feedback sa ‘yo, pinakikinggan mo to appease them, para maibigay mo ‘yung gusto nila,” sabi ni Alden.

Pasabog pa na sinabi ni Alden na napagod din siya sa mga patuloy na hinihingi ng ilang tao sa kanya.

At a certain point, medyo nakapapagod din pala siya. Dumating po ako sa point na, when I was really burned out with all of these demands and things that people want from me, when I stepped out and looked at the bigger picture, wala na po akong identity.

“Parang, nasaan na ‘yung pagkatao ko? Lagi na lang ba akong susunod sa ibang tao, sa gusto ng mga tao na makita sa akin. Napagod lang po ako sa point na ‘yun.”

Binanggit ni Boy ang pahayag ni Alden sa isang recent na interview sa aktor kung saan sinabi ni Alden na, “Nobody controls my life. Walang nagdidikta. I make my own choices, I make my own decisions.

“I wanted to be firm. Hindi po ako galit when I said that. I just wanted to be firm with the current state of mind that I have,” paliwanag ni Alden.

About Rommel Gonzales

Check Also

Shiena Yu Reina Castillo Yuki Sakamoto

Shiena, Reina, Yuki palaban walang pinipiling lugar kapag ‘nag-init’

COOL JOE!ni Joe Barrameda NALOKA ako sa cast ng Wanted Girlfriend ng Viva. Ito ay sina Shiena Yu, Reina …

Ruru Madrid

Ruru Madrid tuloy-tuloy ang dating ng blessings

COOL JOE!ni Joe Barrameda ISANG payat na binatilyo si Ruru Madrid nang pasukin ang mundo ng showbiz …

Game On The Podcast

Sports chikahan hatid ng Game On! Podcast

GOOD news para sa sports enthusiasts dahil pwede nang mag-tune in sa pinakaunang sports podcast …

Elle Villanueva Derrick Monasterio Kristoffer Martin

Anak ni Elle Villanueva sino ang ama?

RATED Rni Rommel Gonzales #TeamAlex o #TeamSeb ba kayo? Kasing init ng summer ang palitan …

Angel Leighton

Angel Leighton liligwakin na?

RATED Rni Rommel Gonzales MABIGAT ang eksenang hinarap ni Sparkle artist Angel Leighton sa kanyang role bilang …