Tuesday , July 16 2024
Royce Cabrera

Royce Cabrera GEMS awardee

RATED R
ni Rommel Gonzales

MULING pinatunayan ni Royce Cabrera na isa siyang mahusay na artista.

Pinarangalan si Royce ng Best Performance in a Lead Role (Male or Female-Single Performance) mula sa 7th GEMS Awards.

Ang GEMS (Guild of Educators Mentors and Students) Hiyas ng Sining ay isang grupo na kumikilala sa katangi-tanging alagad ng sining sa larangan ng panulat, digital, tanghalan, radio, telebisyon, at pelikula.

Ang parangal na natanggap ni Royce ay para sa natatanging pagganap niya sa real life drama anthology na Magpakailanman na gumanap siya bilang drag queen na si Edwin Luis sa episode na pinamagatang Born to be a Queen: The Edwin Luis Story.

Bukod kay Royce, pinarangalan din bilang TV Station of the Year ang GMA 7.

Samantala, ngayong Sabado ay mapapanood sa #MPK ang part 2 ng Reyna ng Tahanan.

Kung nabitin kayo, mga ka-MELlenials, abangan ngayong Sabado, 8:00 p.m. ang part 2 ng ating kuwento.

Ano kaya ang mangyayari sa kanyang pamilya? Makaka-ahon ba sila? Tuluyan na bang magbabagong buhay ang kanyang asawa?

Abangan ang Ronda ng Kalsada, ang part 2 ng Reyna ng Tahanan tampok sina Snooky Serna, Lovely Rivero, Liezel Lopez, Cai Cortez, Candy Pangilinan, at Rochelle Pangilinan, sa direksiyon ni Rechie del Carmen.

Sa panulat ni Vienuel Ello at research ni Angel Launo, kasama rin sa cast sina Jaime Sabarte, Vince Crisostomo, Patricia Coma, at Paolo Paraiso

About Rommel Gonzales

Check Also

Maris Racal Rico Blanco Anthony Jennings

Maris nilinis pangalan ni Anthony; Rico pinagtagpo pero hindi itinadhana

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “ANTHONY is out of the picture.” Ito ang agad na nilinaw …

Bini SB19 Flow G

SB19, Bini pinadagundong ang Araneta, Puregold’s Thanksgiving Concert star studded

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBINGI at parang nasira ang aming ear drum sa sobrang …

Alden Richards It’s Showtime

Alden nagkaroon ng biglaang meet & greet sa It’s Showtime 

I-FLEXni Jun Nardo INAKYAT ni Alden Richards ang itaas na bahagi ng It’s Showtime studio nang mag-guest siya sa …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Male Starlet walang maipagmalaking project kahit nakakontrata sa isang kompanya

ni Ed de Leon ANG bagay nga sigurong project para sa isang male starlet ay “Bata. Bata …

James Reid Issa Pressman

James Reid lipas na, inulan ng panlalait sa internet 

HATAWANni Ed de Leon KAWAWA rin naman si James Reid kung noong panahon ng kanyang kasikatan ay …