Wednesday , February 28 2024
Elijah Alejo Sofia Pablo Jillian Ward

Elijah ‘di hamak na mas mahusay umarte kina Jillian at Sofia

MATABIL
ni John Fontanilla

IBA talaga ang husay sa pag-arte ng isang Elijah Alejo mapa-bida man o kontrabida. Mula sa pagiging mahusay na child star ay mas humusay pa ito nang magdalaga.

Isa nga si Elijah sa maituturing na pambato pagdating sa aktingan ng Kapuso Network. 

Among teen actress ngayon si Elijah lang ang pwede magbida at magkontrabida at lahat ‘yan ay nagagawa niya with flying colors. Effective siyang bida ganoon din sa pagkokontrabida.

Naalala tuloy namin sa kanya ang awardwinning actress na sina Sunshine Dizon at Glaiza De Castro na parehong epektibong bida at kontrabida.

Among Primadonnas stars ay mas pang matagalan ang karera ni Elijah dahil bukod sa ‘di issue sa kanya ang magbida o magkontrabida ay ‘di hamak na mas mahusay itong umarte kina Sofia Pablo at Jillian Ward na parehong pa-sweet at pabebe. Bukod sa kanilang tatlo ay si Elijah lang ang nabibigyan ng sunod-sunod na awards.

Mabigyan lang ng magaganda at challenging projects si Elijah katulad ng Underage, tiyak mas lulutang pa ang husay nitong umarte at ‘di malabong manalo ng mas marami pang awards.

About John Fontanilla

Check Also

Jo Berry Lilet Matias Attorney At Law

Jo Berry pangarap ng amang maging abogado natupad

RATED Rni Rommel Gonzales LITERAL na napaluha kami habang nagbabalik-tanaw si Jo Berry sa napakasaklap na karanasan …

Dominic Roque Bea Alonzo

Hiwalayang Bea at Dominic pinagma-maritesan ng mga socialite

COOL JOE!ni Joe Barrameda HANGGANG ngayon ay palaisipan pa rin sa mga netizen ang biglang …

Jo Berry

Jo Berry kabado seryeng papalitan napakataas ng ratings

COOL JOE!ni Joe Barrameda  MATAGAL din nawala Si Jo Berry bago nabigyan ulit ng project sa GMA. Bago …

Angelica Jones Angelo

Angelica Jones sumangguni na sa abogado, ama ng anak idedemanda

NANGINGILID ang luhang ibinahagi ni Angelica Jones na tuloy ang laban sa tatay ng kanyang anak. Sa …

Luke Mejares

Luke Mejares kaliwa’t kanan ang gigs

MATABILni John Fontanilla BUSY as a  bee ang mahusay na singer & composer na si Luke Mejares dahil …