Wednesday , February 28 2024
Toni Gonzaga Joed Serrano

Joed Serrano, may patutsada sa mga pasaway na bashers

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAGLABAS ng offical statement si Joed Serrano, producer ng concert ni Toni Gonzaga, titled I Am Toni na magaganap sa Araneta Coliseum sa January 20, 2023 na mismong birthday ng versatile na TV host-aktres-singer.

Inilinaw ni Joed ang ilang naglalabasang malisyosong balita na umano’y matumal ang bentahan ng tickets nito. Ayon kay Joed, about 15 percent ng tickets para sa upcoming concert ni Toni ang unsold, kaya sa mga gustong manood dito ay maaari pa silang bumili.

May mensahe rin siya sa mga ‘bitter’ na bashers na huwag maging nega sa buhay at kung walang sasabihing hindi maganda sa kapwa ay mas mabuting manahimik na lang kaysa magkasala at ma-stress pa.

Narito ang official statement ni Joed:

“As of January 13 friday at 4:45pm, The  I Am Toni  concert @ the smart araneta coliseum on Jan 20, 2023 has already sold 55% of the tickets. 20% goes to the sponsors who pledged their support for their endorser toni gonzaga.

“Mommy Pinti ordered & paid 350 tickets for her mga friends, relatives at mga ka church mate na sa kanya umorder. Me as one of the producers also reserved some 300 tickets for my friends who ordered from me instead of going to ticketnet. These tickets are paid. Wala ng libre sa panahon ngayon except pag kapamilya mo ang manonood. Iba ang concert sa pulitika at pelikula.

“As of this date, we still have 15% tickets unsold. You can still buy your tickets & get a chance to watch this very controversial concert.

“Its a celebration of 20 years in showbusiness & the birthday of our dearest Toni Gonzaga. Let us all unite & be positive in life. Move on & be kind to all.

“Let us all give ourselves a chance to be good in this world. Smile, wag nega sa buhay. Kung wala kang sasabihing di maganda sa kapwa mo , then might as well be quiet kesa magkasala ka pa at mastress. See you all on Jan. 20, 2023 Friday 8pm at the Araneta Coliseum.”

About Nonie Nicasio

Check Also

Jo Berry Lilet Matias Attorney At Law

Jo Berry pangarap ng amang maging abogado natupad

RATED Rni Rommel Gonzales LITERAL na napaluha kami habang nagbabalik-tanaw si Jo Berry sa napakasaklap na karanasan …

Dominic Roque Bea Alonzo

Hiwalayang Bea at Dominic pinagma-maritesan ng mga socialite

COOL JOE!ni Joe Barrameda HANGGANG ngayon ay palaisipan pa rin sa mga netizen ang biglang …

Jo Berry

Jo Berry kabado seryeng papalitan napakataas ng ratings

COOL JOE!ni Joe Barrameda  MATAGAL din nawala Si Jo Berry bago nabigyan ulit ng project sa GMA. Bago …

Angelica Jones Angelo

Angelica Jones sumangguni na sa abogado, ama ng anak idedemanda

NANGINGILID ang luhang ibinahagi ni Angelica Jones na tuloy ang laban sa tatay ng kanyang anak. Sa …

Luke Mejares

Luke Mejares kaliwa’t kanan ang gigs

MATABILni John Fontanilla BUSY as a  bee ang mahusay na singer & composer na si Luke Mejares dahil …