Sunday , May 19 2024
Nadine Lustre Louise delos Reyes Mikhail Red Jeffrey Hidalgo

Nadine Lustre bagong Horror Queen, Deleter highest grossing horror movie sa ‘Pinas

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

CERTIFIED blockbuster at number-1 sa takilya ang pelikulang Deleter sa nagdaang MMFF 2022.

Aminado naman ang bida ritong si Nadine Lustre na hindi niya ito inaasahan at lutang pa rin daw siya sa mga kaganapan sa nagdaang annual filmfest, na sinungkit din niya ang Best Actress trophy.

Pahayag ng aktres, “Nakakikilabot kasi hindi po namin ine-expect, e. Kahit nga iyong tinatawag ang Deleter kapag nananalo ng awards sa MMFF awards night, ‘yung mukha ko parang, kaming mga magkakatabi roon nagtitinginan lang na, ‘Totoo ba itong nangyayari na ito?’

“Kasi wala sa aming nag-e-expect, so, sobrang blessings ito sa amin na ang daming nakuha ng Deleter na awards at ang daming nanonood ng pelikula. Sobrang grateful po ako,” sambit pa ni Nadine.

Bukod sa nanguna sa box office, gumawa rin ng kasaysayan ang pelikulang pinamahalaan ni Direk Mikhail Red dahil ito na ang highest grossing horror movie sa bansa ngayon. Naungusan na nito ang Feng Shui ni Kris Aquino.

Ayon sa ulat, ang Feng Shui 2 ay kumita ng P235-M. Sa mismong araw ng Thanksgiving ng mga nasa likod ng Deleter ay lumampas na ito sa P240-M.

Tiyak na madaragdagan pa ang box-office gross ng Deleter dahil extended ang pagpapalabas nito sa isandaang (100) sinehan sa buong Filipinas at magbubukas na rin ito sa mga cinema sa iba’t ibang bansa.

Ano ang reaction niya sa bansag sa kanyang Horror Queen? “Okay lang naman po sa akin kahit na ano pa ang itawag nila. Ayaw ko lang ma-typecast sa susunod kong projects,” wika ni Nadine na idinagdag pang mas gusto raw niyang gumawa ngayon ng out of the box roles para mas mahasa pa ang kakayahan sa pag-arte.

Siyempre pa, dahil sa malakas na hatak ni Nadine sa moviegoers, plantsado na ang follow-up movie niya sa Viva Films. Although sa ginanap na thanksgiving party ng Deleter ay ayaw pa itong sabihin muna ni Nadine.

About Nonie Nicasio

Check Also

Piolo Pascual Mallari

Piolo Pascual muling nasungkit Best Actor trophy para sa Mallari

MULING nasungkit ni Piolo Pascual ang Best Actor award para sa kanyang pagganap sa Mallari sa katatapos na Box …

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …