Saturday , July 27 2024
Malacañan

Sa Malacañang
5 TANGGAPAN ‘IBINALIK’ SA ESTRUKTURA NG OP

LIMANG tanggapan sa Malacañang ang inilagay sa ilalim ng Office of the President alinsunod sa nilagdaang Executive Order No. 11 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Batay sa EO No. 11, hindi na hiwalay na kagawaran ang Office of the Press Secretary na tinawag na ngayong Presidential Communications Office (PCO),  ito’y nasa ilalim na lamang ng OP kasama ang iba pang tanggapan gaya ng Executive Office (kasama ang Office of the Executive Secretary, tanggapan ng executive secretary’s deputies, at iba pang attached offices), Office of the Chief Presidential Legal Counsel, Private Office (binubuo ng Protocol Office at ng Social Secretary’s Office), at Office of the Special Assistant to the President (na may kontrol at supervision sa presidential assistants at ng Presidential Legislative Liaison Office).

Habang ang Presidential Management Staff (PMS), na dati’y tandem ng executive secretary at ng special assistant to the President, ay nasa ilalim na ngayon ng Office of the Executive Secretary.

Nasa pangangasiwa ng Cabinet Cluster System at ang Correspondence Office.

Ang Executive Office ay pinamumunuan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ang pinuno ng Office of the Chief Presidential Legal Counsel ay si Juan Ponce Enrile.

Si Bianca Zobel, ang social secretary ni FM Jr. Habang ang chief of presidential protocol ay si Adelio Angelito Cruz.

Si Anton Lagdameo, ang special assistant ni FM Jr., habang ang officer-in-charge ng PCO na dati’y OPS ay si Cheloy Velicaria-Garafil.

Nanatili sa Office of the Executive Secretary ang administrative supervision sa mga tanggapan at ahensiyang nasa ilalim ng OP. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …