Wednesday , September 27 2023
Mamasapano Now It Can Be Told

Mamasapano: Now It Can Be Told nakaiiyak, nakagigigil, nakalulungkot

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

LATE kaming nakarating sa premiere night ng Mamasapano: Now It Can Be Told, isa sa official entry ng Metro Manila Film Festival 2022 pero nagulat kami nang pagpasok sa sinehan na halos puno (dalawang sinehan) at lahat yata ng SM guards ay naroon para manood.

Hindi naman kataka-taka na marami ang magka-interes na panoorin ang Mamasapano dahil malaking istorya ito noon at tiyak magiging kontrobersiyal din sa oras na mapanood simula December 25.

Maganda ang pagkakasulat ni Eric Ramos sa Mamasapano: Now It Can Be Told na pinagbibidahan nina Edu Manzano, Paolo Gumabao, at Aljur Abrenica. At habang pinanonood namin ay nakaramdam kami ng lungkot, awa, at panggigigil. Kung bakit, dapat na panoorin ninyo ito sa mga sinehan sa Dec. 25.

Bukod sa istorya, may laban sa aktingan at ilang technical aspects ang pelikula. Napansin namin ang husay ni Paolo Gumabao na gumaganap bilang si Supt. Raymond Train, isa sa mga miyembro ng Special Action Force (SAF) na nakipagbakbakan laban sa mga rebeldeng terorista sa Maguindanao na nangyari noong January 25, 2015.

Mahusay ang reaction ng mukha ni Paolo habang inilalahad ang tunay na nangyari  sa kanila habang nakikipakbakbakan. 

Sa pelikula, matapang na ipinakita nina Eric at direktor nitong si Lester Dimaranan ang mga pangyayaring posibleng hindi pa alam ng mga Pinoy ukol sa totoong nangyari sa likod ng pagpatay sa mga SAF fighter at ang kung paano ito hinarap ng gobyerno sa ilalim ng pamamahala ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Bukod kina Paolo at Edu na gumagamap bilang Gen. Benjamin Magalong at Aljur bilang Lt. Franco, kasama rin sa pelikula sina Alan Paule bilang Gen. Getulio Napenas, Rey “PJ” Abellana bilang Col. PabalinasGerald Santos bilang Sgt. LalanRez Cortez bilang Gen. Alan PurisimaJuan Rodrigo bilang Secretary Mar Roxas, at Jervic Cajarop bilang President Noynoy.

May special participation din sina Jojo Abellana, Ronnie Liang, Jim Pebanco, Tom Olivar, Rico Barrera, LA Santos, Marcus Madrigal, AJ Oteyza, Marco Gomez, Rash Flores, Elmo Elarmo, at Nathan Cajucom. May guest appearance naman sina Claudine Barretto, Ritz Azul, at Myrtle Sarrosa.

Pagkatapos ng premiere night hindi naman napigilan ni Atty. Ferdinand Topacio, ang producer ng Mamasapanomula sa kanyang Borracho Film Production na purihin ang acting nina Paolo at Aljur.

Aniya, “Intense, intense! At pati ‘pag-aaksyon nila, bumilib ako. Actually, the movie noong nakita ko tapos na, exceeded all our expectations. Napakaganda talaga.

“We owe it to the director. Ang ganda niyong photography, maniwala ka! Very innovative si Paul Magsino. Pati ‘yung editing. Siya na rin ang editor, eh.

“So, it was really a collective effort. Kami ‘yung nag-revise ng script. Ako na ‘yung nag-compose ng theme song.

“Kami na rin ang naglagay ng musical scoring. ‘Yung cinematography, location, kami na rin ang nag-location scout.

“Puro kami na rin. Sana kapag ipinalabas, hindi lang kami ang manood. May ibang manood,” sambit pa ni Topacio.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Erik Santos Don Pedro Pete Bravo Cecille Bravo

Erik Santos pinasaya 71st birthday ni Don Pedro 

MATABILni John Fontanilla PINASAYA ni Erik Santos ang 71st birthday ni Don Pedro ‘Pete’ Bravo at 16th wedding anniversary …

Erin Ocampo

Erin Ocampo handang makipagsabayan sa paghuhubad sa pelikula

MATABILni John Fontanilla AFTER 14 years sa showbiz, napapayag na ring magpa-sexy sa pelikula si Erin …

MTRCB

MTRCB aaksiyonan panawagan ng netizens laban kay Joey

MA at PAni Rommel Placente TRENDING ngayon sa social media si Joey de Leon. Ito ay …

Joshua Garcia Emilienne Vigier

Joshua sa karelasyong French-Filipino athlete — ‘di ko siya idine-deny ayaw lang namin i-share

MA at PAni Rommel Placente SA isang inteview ni Joshua Garcia ay tinanong siya tungkol sa nababalitang …

Kathryn Bernardo Seoul International Drama Awards

Proud sa pagiging kinatawan ng talentong Pinoy sa international stage
KATHRYN WAGI SA SEOUL INTERNATIONAL DRAMA AWARDS 2023

NAGWAGI ang Asia’s Box Office Superstar na si Kathryn Bernardo bilang Outstanding Asian Star award sa Seoul International …