Boy Abunda Jessica Soho Mike Enriquez

Boy Abunda gustong makahuntahan si Mike Enriquez

I-FLEX
ni Jun Nardo

BALIK-KAPUSO na si Boy Abunda. Isinalang siya kagabi sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Bonggang homecoming ang inilaan ng GMA Network sa pagbabalik ng King of Talk sa unang network na nagbigay ng break sa TV.

Isa nga si Mike Enriquez sa gustong ma-interview on cam ni Boy at iba pang Kapuso personalities.

Samantala, nag-renew naman ng contract ang broadcast journalist na si Atom Araullo na kilala sa matatapang sa panggawa ng makabuluhang documentaries.